^

PSN Showbiz

Sarah nanghihinayang sa wedding dress!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah nanghihinayang sa wedding dress!
Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang magpakasal sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Sa simbahan na dapat magpapakasal ang dalawa noon pero civil wedding ang natuloy dahil sa pagkakaroon ng pandemya.

Umaasa ang aktres na matutuloy pa rin ang kanilang planong church wedding. “Meron pa rin, sayang ‘yung wedding dresses ko. So yes, we still want to have a big celebration. We wanna celebrate with our families, our extended families, our friends. Hindi namin ‘yon nagawa. So hopefully one day ‘pag nawala na itong pandemic, magawa na namin ‘yon,” pagbabahagi ni Sarah.

Pitong taong gulang na ngayon ang panganay na anak nina Sarah at Richard na si Zion habang tatlong taong gulang naman ang bunsong si Kai.

Kung muling mabibiyayaan ng isa pang supling ay babae na raw ang gusto ni Sarah. “As of now I wanna focus on work. I wanna focus on Chard, Zion and Kai. But if God willing, I would love to have a girl but I don’t think now is the right time,” pagtatapat ng aktres.

Matagal-tagal na ring napatigil si Sarah sa paggawa ng mga proyekto. Ngayon ay nakahanda na muling magtrabaho ang aktres. “I’ll be on screen more as you all know I’ve been laying low and being a mom which I love doing. I miss dancing, I miss my ASAP family and I miss acting also. Richard and I are currently meeting with directors and brainstorming on different ideas. We’re open to working together again. I think it’s been eight or nine years since we last work together on screen. I am very excited to work again,” pagtatapos niya.

Eula, nalabanan ang anxiety

Malaki ang pasasalamat ni Eula Valdez dahil muling nakapagtatrabaho kahit na mayroong pandemya.

Matatandaang huling napanood ang aktres sa ­teleseryeng love Thy Woman noong isang taon at ngayon ay kabilang naman sa Huwag Kang Mangamba na napapanood tuwing gabi sa Kapamilya Channel. “One year ago, March 14 ang last taping namin sa Love Thy Woman tapos kinabukasan lockdown na ang buong Pilipinas. Doon ako nagkaroon ng anxiety attack. Kasi parang iniisip ko ano mangyayari, gaano ba katagal ang itatagal nitong pandemic na ito na hanggang ngayon nasanay ka na lang at nag-iingat ka na lang na hindi ka tamaan,” ­nakangiting pahayag ni Eula.

Dahil sa bagong serye ay nakaiiwas ang aktres sa pagkakaroon ng anxiety attacks. “Masaya ako na na-experience ko din ito pero hindi ako masaya sa pangyayari. Nakatulong sa akin at sa anxiety ko na nakapagtrabaho ako ulit at parang himala na tuluy-tuloy ang trabaho bagkus merong pandemya. So nakaraos naman ako sa anxiety ko na ‘yon,” paglalahad ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with