^

PSN Showbiz

Buhay ni Betong nakakaantig ang ganap

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Buhay ni Betong nakakaantig ang ganap
Betong at Buboy

Mapapanood ang nakakaantig na kuwento ng buhay ng Kapuso comedian at TV host na si Betong Sumaya ngayong Sabado, Marso 27, sa bagong episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pagbibidahan ng aktor na si Buboy Villar ang episode kung saan ipapakita ang buhay ng kanyang kapwa komedyante bago pa man ito naging isang ganap na artista. 

Bago pasukin ang mundo ng showbiz, sa likod ng kamera ang naging trabaho ni Betong. Aminado siya na pangarap na niyang maging artista simula pa noong bata siya.

Matatandaang nakilala si Betong matapos sumali at manalo sa reality show na Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong taong 2011. Ito ang nagbukas ng pintuan para sa kanyang karera sa showbiz.

Sa kasalukuyan, isa na si Betong sa mga pinagkakatiwalaang komedyante ng GMA Network. Napapanood din siya bilang host sa world-class singing competition for kids na Centerstage at siya rin ay mainstay performer sa weekend variety program na All-Out Sundays at isa cast ng longest-running gag show na Bubble Gang.

Bukod dito, may sarili na rin siyang YouTube channel na nagiging source ng good vibes para sa fans at netizens.

vuukle comment

BETONG SUMAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with