^

PSN Showbiz

Direktor ng Daddy’s Gurl naglabas ng inis AlDub fans

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direktor ng Daddy�s Gurl naglabas ng inis AlDub fans
Vic at Maine

Ayun na nga! Nag-react na rin ang direktor ng Daddy’s Gurl na si direk Chris Martinez sa pagpapa-trending ng ilang fanatics ng AlDub na boycott sa naturang sitcom, pati ang Eat Bulaga. Napu-provoke kasi siya ng ilang fans na sinasabing takot na takot na ito sa sinasabing boycott ng grupo ng fans na ito.

Pero sagot ni direk Chris sa panggugulo sa kanya ng fans, ‘Hindi po ako takot. Busy lang. Sayang oras. At quota na ang mata ko sa mga kabastusang salita. Huwag mong isipin na kaya ko blinock kasi nakakatakot ka. Kaya ka nablock kasi bastos at istorbo ka. K bye.”

Pursigido ang fans na ito na ituloy ang boycott ng 22 days, at napapa-trending nila ito. Pero sabi nga ni direk Chris, parang hindi naman sila apektado.

Sa katunayan, mas tumaas pa ang rating ng Daddy’s Gurl at pati mga ad sa sitcom na ito nina Vic Sotto at Maine ay mas dumami pa.

Nasulat na nga natin dito na naka-10.2 percent ang Daddy’s Gurl at mataas ito kumpara sa mga nakaraang episodes ganundin nung nakaraang Sabado.

Hindi naman siguro nila puwedeng itanggi na ang Eat Bulaga pa rin ang pinaka-top-rated na noontime-variety shows, kahit sinasabi rin nilang ibu-boycott nila ito. So, hindi umepek! Kaya sabi na lang ni direk Chris sa kanila; “Hindi na po ako makikipag-asaran sa inyo. Nagawa nyo na po ang gusto nyong gawin. Kami po ay magmo-move on na para harapin na ang mga bagong gawain. Sana makapag move on na rin kayo. Tapos na ang boksing.”

Mayor Vico nag-negative sa COVID-19

Marami naman ang natuwa sa ipinost ni Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook account ang huling gabi ng quarantine niya pagkatapos pumanaw sa COVID-19 ang kanyang driver.

Nag-negative naman daw siya sa RT PCR test niya nung ika-apat na araw mula nung exposure sa kanyang driver kaya safe naman daw ang mga nakasalamuha niya nung nakaraang March 12.

Pero tinapos pa rin daw niya ang 14-day quarantine, na kahit nakapag-rest siya sa kanyang pagka-quarantine, tuloy pa rin daw ang trabaho niya sa bahay, wala nga lang face to face na meetings.

Sa totoo lang, lalong gumuwapo si Mayor Vico dahil nakapag-rest siya nang mabuti sa kanyang pagka-quarantine at medyo nabawasan ng stress.

Nagpasalamat na lang si Mayor Vico sa lahat na nagdasal para sa kanya at patuloy na sumusuporta.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with