^

PSN Showbiz

Tatlong kasama sa bahay ng sikat na babaeng personalidad mas piniling maging simple ang buhay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Halos sabay-sabay na nag-alisan sa poder ng isang pamosong female personality ang kanyang mga kasambahay. May iba-iba silang dahilan, alam ‘yun ng nilayasan nilang female personality, kahit pala mataas siyang magpasuweldo ay aalis pa rin ang mga ito sa kanya.

Ayon sa aming source, ang isang kasambahay niyang umalis ay nagtatanim na lang ng mga gulay sa isang probinsiya, wala na itong planong bumalik pa sa kanya.

Ang isa naman ay sumasama na lang sa kanyang ama at kapatid sa pamamalakaya, mahirap man ang kanilang buhay ay ayos lang, may katahimikan ito ng kalooban.

Kuwento ng aming source, “Tinawagan niyang isa-isa ang mga kasambahay niyang umalis, mahirap nga namang mag-train ng mga bago, malaking trabaho ‘yun para sa kanya.

 “Pero sa tatlong tinawagan niya, e, wala na siyang na-convince na bumalik, umayaw silang lahat, thank you na lang daw,” unang kuwento ng aming source.

Kung anu-ano ang iniaalok ng female perso­nality sa mga umalis niyang kasambahay. Dagdag na suweldo, mga pabolosong kagamitan, pagbibiyahe sa iba-ibang bansa at kung anu-ano pang nakasisilaw na alok.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Pero wala siyang napabalik. Walang tumanggap sa mga alok niya. Maghanap na lang daw siya ng mga kapalit dahil mas gusto na ng mga maid-of-cotton ang buhay na meron sila ngayon.

“Du’n niya na-realize na balewala ang datung niya! Walang silbi ang pera niya para sa mga taong simpleng buhay na tahimik lang ang hinahanap sa buhay!

“Aanhin nga naman nila ang buhay na sumusuweldo nga sila nang bongga, pero hindi naman sila masaya! Magulo na nga naman ang buhay ng boss nila, pati ba sila, e, magiging ganu’n din?

“’Yung isang umalis sa kanya, e, nagtatanim na lang ng pakwan ngayon sa probinsiya nila. Mahirap, pero masaya siya, dahil napakatahimik ng buhay niya!

“’Yung isa namang dating maid niya, e, nagtayo na lang ng parlor sa lugar nila, konti lang ang kita, pero masaya siya! Nakakaloka! Mismong ang boss pa pala nila ang nagpapaawa-away sa kanila!

 “Offcam, pinaglalaban-laban sila ng boss nila, nagpapairal siya ng competition sa household niya! Wala ngang tatagal sa kanya kapag ganyan siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng nakairap na­ming source.

Ubos!

Dahil sa panibagong ‘lockdown’ TIPMMG, hindi muna eere

Mabibigo ang mga loyalista namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu ngayong tanghali sa Take It, Per Minute… Me Gano’n! dahil sa mga bagong kautusang pinalabas ng ating pamahalaan para sa ating kaligtasan.

Sabi nga ni Manay Lolit, “Naku, ‘yang si Salve, makarinig lang ng letrang Q, ninenerbiyos na agad! Bananacue, camotecue, kahit anong cue, natatakot na siya agad!”

At walang masama du’n, ngayon kailangan ang pagiging praning, kung buhay naman natin ang maisasalba. Hindi bawal ang kapraningan ngayon. Kailangan nating maging aning-aning.

Nakawiwindang isipin na nakaisang taon na tayo sa pandemya, akala nati’y mas gaganda na ang mga numero dahil may mga dumating nang bakuna, pero kabaligtaran ang nangyari.

Ang daan-daan lang na nagkaka-COVID-19 nu’n ay libu-libo na ngayon, sumasargo ang bilang kaya napapraning na ang buong bayan.

Nakatanggap kami ng isang makabuluhang mensahe mula sa isang CFMer na ganito ang sinasabi, “The Fundamental Law Of Protection Against COVID-19: Consider everybody around you as an asymptomatic carrier of COVID-19 and capable of infecting you. Consider too, that you yourself could be an asymptomatic carrier of COVID-19, capable of infecting all around you.

 “So train yourself by using all your intelligence to neither get infected nor infect others.”

Totoong-totoo ang mensahe. Makatutulong ngayon ang ating pagdududa maging sa ating sarili. Huwag tayong maging kalmado, hindi natin nakikita ang ating kalaban, mahirap makipagsuntukan sa buwan.

Maging ang mga produksiyon ng iba-ibang network ay nagpairal na rin ngayon ng pagsususpinde sa kanilang taping. Nagpapa-swab test naman ang lahat ng kanilang mga artista at staff pero lumalaganap pa rin ang paghahawahan.

May exit-swab pa sila, napupuruhan pa rin sila ng virus, tripleng pag-iingat talaga ang kailangan nating gawin ngayon para sa ating kaligtasan.

Sa mga pasaway na hindi naniniwala sa mga health protocols, isipin sana nila na punumpuno na ang mga ospital ngayon, wala nang mapaglagyan ang mga nagkaka-COVID-19.

Lahat ng santo ay tinatawagan na nila ngayon para makaligtas sila, ang mabigyan-mapahiram pa sila ng panibagong buhay, dahil hindi biro ang kinaroroonan nilang paghamon.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with