^

PSN Showbiz

Coco at Julia, nag-chill sa Bora

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, nag-chill sa Bora
Coco at Julia

Kamakailan ay nakita na namang magkasama sina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay. Sinasabi naming kamakailan dahil hindi nga maliwanag kung kailan nakunan ang pictures na iyon, pero mukha namang hindi mo masasabing luma na o mahigit nang isang taon. Kailan lang binuksang muli ang Boracay sa mga bakasyunista, kaya hindi rin naman siguro katagalan ang nasabing picture.

Matagal nang sinasabing may anak sila pero wala naman silang mailabas na ebidensiya na nanganak nga si Julia, o nagsasama silang dalawa ni Coco sa iisang bahay, pero minsan sa isang picture ni Coco, pati ang isang “baby bottle” na nakita sa likuran ng actor ay binigyan nila ng ibang kahulugan.
Hindi naman nagsasalita openly si Coco o maging si Julia sa sinasabing relasyon nila. May mga nagsasabing natatakot daw sila na makaapekto iyon sa career ni Coco.

Mayroon ba siyang endorsements na may kasunduang kailangan siyang manatiling single?
Masyadong marami na ngang usapan tungkol kina Coco at Julia, at naniniwala kaming kung may relasyon nga sila at wala namang masama kung aaminin nila iyon. Kung totoo kasi ang mga tsismis, napaka-unfair sa sinasabing anak nila.

Sa mga ganyang sitwasyon, sinasabi ngang dehado ang babae. Lalo na nga kung nanganak na siya.
Pero marami rin naman ang naniniwala na naghihintay na lamang ng magandang pagkakataon ang dalawa para aminin ang kanilang totoong relasyon.

Ngayon nga kasi visible na silang magkasama, hindi kagaya noong una na tagung-tago, at noong kasagsagan ng controversy ay talagang nawala si Julia at tinalikuran ang kanyang career na maganda ang takbo noon.

Joshua, isasabak na para maging box office king pagkatapos ng pandemya

May isang insider na nagbulong sa amin na ang balak nga raw kung magluluwag na ang sitwasyon at totoo ngang marami na ang mababakunahan at hindi ganitong mas dumami pa ang may COVID at para tayong mga dagang taguan nang taguan, ang susunod naman daw ibabala para sa box office ay si Joshua Garcia.

Mukhang may katuwiran naman, dahil masasabi ngang malaking sugal iyong ginawa ng isa niyang endorsement na ipinatuloy sa kanya nang solo lamang ang commercial, pero lumabas na tama ang diskarte nila dahil tumaas diumano ang sales ng nasabing produkto. Ibig sabihin, kaya ni Joshua at mukhang mas gusto pa ng mga taong hindi siya nakasabit sa isang love team.

Tama nga lang na siya naman ang ilinya sa mga commercially viable movies, iyong inaasahang kikita. Aminin natin ang katotohanan na bata pa si Joshua, at mahaba pa ang panahon ng kanyang career, samantalang ang matinee idols na nauna sa kanya ay nagkakaedad na rin.
Isa pa, napatunayan naman ni Joshua ang kanyang kakayahan bilang isang actor. Lamang na siya sa kung sino mang baguhan na kailangan pang turuan.

Female star na pa-victim, pinagbabayaran ang mga paninira sa pamilya

Pinagtatawanan nila ang mga palabas ng female star na may “pa-victim” effect ang personality. Kung pakikinggan mo siya, masyado siyang api, pero maitatago ba naman ang maraming mga taong natapakan niya o sadyang tinapakan noong panahong siya ang “high and mighty”? Hindi ba napakarami rin naman noon?
May panahong wala siyang pasintabi kung makasira man siya ng pagkatao, o makasira siya ng isang tahimik na pamilya, kasi powerful siya. Pero sabi nga, lahat naman iyan ay nababalikan ng karma at oras na bumabalik na iyan sa iyo, iiyak ka na lang. Puwede namang magbago. Tutal Mahal na Araw, magpenitensiya
kaya siya? Volunteer akong taga-palo.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with