^

PSN Showbiz

Isang mister, limang misis…

Pilipino Star Ngayon

Ang kasal ay isa sa mga pinakamasayang araw ng isang babae ngunit paano kung malaman ni misis na hindi lang pala siya ang pina­ngakuan ng kasal ng kanyang mister kundi may apat pang iba?!

Ngayong Sabado sa Magpa­kailanman, panoorin ang totoong kwento ni Elaine, isang misis na nakatuklas na bukod sa kanya ay may apat pang babae na kinakasama ang kanyang mister.

Matagal na pinaglaban ni Elaine si Joseph sa kanyang pamilya kaya labis na lamang ang kanyang saya nang payagan siya ng kanyang mga magulang na maikasal dito. Subalit bago ang kasal, nadiskubre ni Elaine na una na palang pinakasalan ni Joseph si Madel. Kahit na may anak na si Elaine kay Joseph ay mas pinili niya na makipaghiwalay siya rito dahil sa mata ng mga tao, walang bisa ang kanyang kasal kay Joseph.

Pinalaki ni Elaine nang mag-isa si Jennifer, ang anak niya kay Joseph. Nang magdalaga na si Jennifer, pinakilala nito ang kanyang manliligaw kay Elaine. Agad na pinutol ni Elaine ang pakikipagrelasyon ni Jennifer dahil nalaman niya na ang lalakeng nagugustuhan ng kanyang anak ay sariling kapatid nito, si Joseph Jr., na anak naman ni Joseph kay Madel.

Napilitan din sina Elaine at Jennifer na tumira sa iisang apartment kasama sina Madel at ang mga anak nito kay Joseph. Lalo pang na­ging kumplikado ang lahat nang mabuntis ni Joseph si Clarissa. Nakitira rin si Clarissa sa apartment.

Laging nagbabangayan ang tatlong misis sa apartment pero di nagtagal, nalaman din nila na may panibagong kabit na naman si Joseph, ito ay sina Baby at Maureen. At higit sa lahat, may mga anak din pala si Joseph sa mga babaeng ito.

Hanggang kailan kayang tiisin nina Elaine ang panloloko ni Joseph? Ano ang gagawin ni Joseph ngayong bistado na siya ng kanyang limang misis? Sa kabila ba ng sugat at sa­kit na kanilang dinadamdam, magkaroon pa kaya ng pagpapatawad ang mga puso nilang nasaktan?

Itinatampok sina Jay Manalo, Rochelle Pa­ngilinan, Ina Feleo, Wynwin Marquez, Barbara Miguel, Will Ashley, Kyle Ocampo, Ana Capri at Stephanie Sol.

Mula sa direksyon ni Laurice Guillen, ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

Donny, Kristel, Shine at Robi namasyal sa Jeju

Makakapaglakbay na ang mga manonood sa kilalang Jeju Island sa South Korea kasama sina Donny Pa­ngilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo bilang Ajakada sa bagong reality-variety show para sa mga chingu, ang Aja! Aja! Tayo sa Jeju, na unang mapapanood ngayong Sabado (Marso 20) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Hatid ng palabas mula sa ABS-CBN at ShowBT Philippines ang makulay na kultura ng South Korea, na kilala bilang Hallyu wave.

Sa unang episode, sasabak agad sina Donny, Kristel, Shine, at Robi sa isang sorpresang challenge—isang karera tungo sa Gimpo International Airport. Mula roon, marami pa silang haharaping task gaya ng mga nakikita sa kilalang South Korean game shows.

Sa kanilang paglalakbay, makikilala naman nila ang ilang sorpresang pana­uhin na sasama sa kanilang adventure.

Well, ang ganda ng Jeju. Laidback pero, maraming puwedeng puntahan.

Sa ngayon ay wala pang nakaka-travel.

Eh ngayon nga bawal na uli munang lumabas ng bahay kung hindi naman importante. Kaya matatagalan pa uli bago maka-travel.

vuukle comment

MISIS

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with