^

PSN Showbiz

Psychiatrist ni Nadine, tetestigo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Natapos ni Nadine Lustre ang ­pagsumite ng affidavit sa korte nung Martes ng hapon kaugnay ng kaso sa Viva. Pati ang kanyang ama na isa rin sa witnesses at ang dati niyang abogado ay nagbigay rin ng kanilang pahayag sa korte.

Sa March 25 ang susunod na hearing na kung saan ay pauupuin naman sa witness stand ang Psychiatrist ni Nadine.

Malumanay ang mga pahayag ni Nadine at safe ang mga sagot sa ilang tanong namin. Pero nabanggit sa amin ng legal counsel niya na si Atty. Lorna Kapunan na tinatawagan daw ng Viva ang ilang endorsement ni Nadine at kinukuha pa ang kanilang 40 percent commission.

Ayon kay Atty. Kapunan, tapos na ang kontrata ng aktres sa naturang kumpanya.

Bukas ang pahinang ito sa Viva Artists Agency para sa kanilang panig.

Sanya, dahan-dahan na sa pagpapakita ng katawan

Ang saya ng buong team ng First Yaya sa mataas na rating ng kanilang pilot episode na nagsimula nung nakaraang Lunes.

Nakakuha ito ng 23 percent sa combined ratings ng GMA 7, GTV at Heart of Asia.

Tuwang-tuwa si Sanya dahil pawang positive feedback ang natatanggap niya sa naturang drama series.

Bago umere ang second episode nung Martes ay nag-IG live siya at nagpasalamat sa lahat na mga sumuporta.

Siguro talagang ipinag-adya na sa kanya napunta ang naturang project dahil nakitaan siya rito ng galing sa pag-arte at bagay naman pala sila ni Gabby Concepcion.

Dahil nga sa First Yaya, medyo maingat na siguro si Sanya sa  pagtanggap ng mga susunod na projects dahil tila na-elevate na siya bilang dramatic actress at hindi na pawang pa-sexy.

“Eto po kasing First Yaya puwede ring pambata. So, medyo mahirap pa pong tumanggap ulit agad ng mga ganung roles. Depende pa rin po siguro.

“Pag po masyadong sexy, baka hindi ko po muna tanggapin. Pero kung alam naman natin na napakaganda ng istorya at marami namang matutunan dito, tingnan po natin. Pag-aaralan naman po ng management,” pahayag ni Sanya sa pagtanggap ng mga gagampanang role.

Shaira gusto munang makatapos ng pag-aaral

Ngayong linggo na matatapos ang Love of My Life at ang ipapalit sa timeslot nito ay ang mini-series na I Can See You na nasa season 2 na. Sa March 22 na ito magsisimula na ang unang episode ay ang On My Way to You na dinirek ni direk Mark Reyes at tampok  ang tambalang Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Nilinaw naman sa amin ng taga-I Can See You na hindi raw ito paghahanda sa tandem nina Ruru at Shaira para sa Lolong. Naisip lang daw nilang bagay sa dalawa.

Maganda ang kuwento tungkol sa isang kilalang wedding coordinator na runaway bride sa kanyang sariling kasal.

Samantala, open na si Shaira na pag-usapan ang relasyon nila ni Edgar Allan Guzman dahil may mga bawal pa noong nagsisimula pa lamang siya ng kanyang career at si EA naman ay nag-uumpisa pa lang umalagwa ang career.

Halos pitong taon na ang kanilang relasyon, at napapag-usapan na minsan ang wedding plans, pero matagal pa raw iyon. Tiyak daw na hindi naman daw siya magiging runaway bride.

“Napapag-usapan pero alam kong medyo matagal pa, kasi gusto ko pang makatapos sa pag-aaral ko eh. Vocal naman ako sa kanya dun, at madami pa akong gustong tapusin. Madami pa akong goals, marami pa akong gustong... alam mo, makaipon para sa family din. Masaya ako sa tao. Mahal ko ung tao,”  nakangiting pahayag ni Shaira tungkol sa relasyon nila ni EA.

vuukle comment

VIVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with