^

PSN Showbiz

Nakakaaliw na pelikula, sunud-sunod ang showing sa GMA

Pilipino Star Ngayon
Nakakaaliw na pelikula, sunud-sunod ang showing sa GMA

Ngayong Linggo (Marso 14), tampok sa GMA Network ang mga nakakaaliw na pelikula na siguradong papawi sa inyong stress.

Maagang simulan ang bonding kasama ang pamilya at sama-samang subaybayan ang The Lego Ninjago Movie sa Kapuso Movie Festival. Kasama ang kanyang mga kapwa ninja, gagawin ng isang teenager ang lahat upang matalo ang isang evil warlord na siya ring kanyang ama.

Samantala, mapapanood sa GMA Blockbusters ang  Katas ng Saudi. Matapos ang sampung taon na pagtatrabaho sa Saudi Arabia, bumalik sa Pilipinas ang OFW na si Oca (Jinggoy Estrada) upang makapiling ang kanyang pamilya at kaanak.

Inihahandog naman ng Telesine Presents ang Empleyada. Si Maria Dimaculangan (Jessa Zaragoza) ay isang ambisyosa ngunit palakaibigang babae na nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho sa Makati. Habang nasa elevator si Maria, may nakasabay siya na babae at kinumusta niya ito. Papasok na ng opisina si Maria nang makita niya na ang mag-iinterview sa kanya ay ang mismong babae na nakasabay niya sa elevator. Kahit hiyang-hiya siya rito, nagpakitang-gilas pa rin siya dahil gustung-gusto niya na matanggap sa trabaho.

Mapapanood ang Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays; GMA Blockbusters pagkatapos ng All-Out Sundays; at Telesine Presents pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA 7.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with