^

PSN Showbiz

Mother Lily bumibiyahe noon sa HK para kumain ng lugaw

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily bumibiyahe noon sa HK para kumain ng lugaw
Lolit at Mother Lily

Nag-melancholia ako nung nakaraang araw nang tumawag si Mother Lily.

Para bang bumalik sa memories ko iyon mga unang araw namin sa Regal Films, kung saan naka-stand by kami sa bahay ng mga Monteverde sa Greenhills at inaabot ng madaling araw sa kuwentuhan.

‘Yun ang mga panahon na jumping from one set to ano­ther, lagare talaga sa rami ng mga shooting na pinupuntahan sa isang araw.

‘Yung laging nasa bag ko ang passport dahil ugali ni Mother Lily na kausap mo ngayon, bukas ng umaga, fly na kayo sa HongKong at doon ka na bibili ng gamit mo tulad ng toothbrush, underwear o kahit damit mo.

Gusto lang kumain ng lugaw ni Mother Lily sa paborito niyang Chinese resto, fly na agad kayo sa HK.

Lahat ng first ko ay kay Mother Lily ko na-experience, first airplane flight, unang sakay sa barko, unang USA trip at pagkakaroon ng bahay. Kaya up to now, grabe ang sense of gratitude ko sa kanya.

Tuwang-tuwa ako na she sounded so healthy sa phone conversation namin, she sounded so happy. Stay safe and happy always Mother Lily. We owe you so much. Salamat uli sa lahat-lahat.

The EDDYS, ginawa ang lahat para sa Isah V. Red Award

Lahat ay excited sa darating na The 4th EDDYS Awards ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors). Talagang trabaho silang mga member kahit pa nga busy sa office works para lang mairaos kahit pandemic ang kanilang yearly awarding.

Very special pa ito dahil nga sa Isah V. Red Awards na ibibigay nila bilang pasalamat mga taga-showbiz na tumulong sa ngayong pandemya hindi lang sa samahan ng mga editor kundi sa mas maraming nangangailangan.

Dahil nga siguro pili at talagang dapat entertaintment editor ka bago maging member kaya may pagka-feeling extra special ka pag naging awardee ka nila.

Sa ngalan ng supladitang si Isah Red kaya maingat sila dahil kung buhay ito tiyak na nakataas ang kilay pag ayaw niya ng choices, hah hah. Pero now, sure ako na naka-smile siya dahil nakita niya na ginagawa ng mga member ang lahat ng gusto niyang mangyari sa samahan.

Imagine parang kailan lang, ngayon, isa nang credible club ang SPEED, kaya kahit nasaan si Isah Red sure ako, happy at proud siya. Congrats SPEED (The EDDYS) for a job well done.

 

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with