^

PSN Showbiz

Female personality, kita pa rin ang lungkot sa pambubugaw noon ng ina

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May naalalang kuwento ang aming source tungkol sa isang mag-inang artista. Sino ang magsasabing walang inang magtutulak sa kanyang anak sa ikapapahamak nito?

Sa mga pambalitaang programa lang ba nagaganap ang mga istoryang mismong ina pa ang nagbebenta sa kanyang anak? Nagaganap din ‘yun sa buhay ng mga personalidad.

Kuwento ng aming source, “Medyo nagkaedad na ang female personality, pero active pa rin naman siya sa pag-arte hanggang ngayon. May masaklap na nakaraan ang girl na ‘yun!

“Sobrang saklap, dahil ang mommy niya mismo ang naghahanap ng magiging parukyano ng anak niya para sa isang panandaliang sarap na mala­king pera ang kapalit.

“Nagsisimula pa lang sa pag-aartista nu’n ang female personality, maganda siya, nalilinya pa siya sa mga pelikulang nagpapakita siya ng balat,” unang hirit ng aming impormante.

Walang magawa ang female personality, takot na takot siya sa kanyang mommy, kaya kung ano ang sabihin nito ay walang kapalag-palag niyang sinusunod.

Kuwento uli ng source, “Alam siyempre ni madir kung magkano ang usapan nila ng kostumer ng anak niya. Hindi puwedeng kulang ang ibigay niya sa mommy niya. eksakto dapat dahil ‘yun ang usapan sa transaksiyon!

“Kapag umuuwi na ang girl nang madaling-araw, e, gising na gising pa rin ang mommy niya. Nasa pintuan pa lang siya papasok sa bahay nila, e, nakalahad na agad ang mga palad ng mommy niya na parang namamalimos!

“Hindi man lang siya tinatanong ng mommy niya kung kaumain na ba siya, kung ano ba ang nararamdaman niya? Wala! Basta, kailangan niyang iabot ang kinita niya sa pakikipagchurvahan sa mga D.O.M.!

“Bakit nga? Dalawang customer kasi ang kausap ng mudra niya, dalawang matatanda na kailangan niyang paligayahin! Mga kulay ube na ang mga kuko, sabi nga ng girl!

“Pero one day, natuto nang lumaban ang girl sa mommy niya! Ayaw na niyang mag-walk, susundin na niya ang puso niya! Makikipagrelasyon na siya sa lalaking mahal niya at mahal din siya!

“Nagkaroon sila ng anak ng isang action star, ng isang sikat na businessman, pareho niyang minahal ang mga lalaking ‘yun nang walang kabayaran.

“Tingnan n’yong mabuti ang mga mata ng female personality, napakalungkot, kahit nagpapatawa na siya, e, nandu’n pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata!” pagtatapos ng napapailing-naaawa naming impormante.

Ubos!

Gerald hari na rin ng nega...Julia kinawawa si Joshua matapos gamit-gamitin!

Aminado si Julia Barretto na napakaligaya niya ngayon. Kahit si Marjorie ay nag-post pa ng mensaheng hindi pa nito nakikita ang kanyang anak na ganyan kaligaya.

May karapatan naman silang maglabas ng kanilang emosyon, wala namang makapipigil sa kanila, pero hindi ba nila naiisip na habang sinasabi nilang mag-ina ang ganu’n ay meron din silang nasasaktan?

Bato ba si Joshua Garcia na walang pakiramdam? Natural, dahil sinasabi nina Julia at Marjorie na ito na ang pinakamaligayang punto ng buhay ng dalaga dahil kay Gerald Anderson ay napakala­king insulto naman nu’n para kay Joshua Garcia.

Ano ba ang ibig nilang sabihin, lalo na ni Julia, na hindi man lang siya naging maligaya habang magkarelasyon sila ni Joshua?

Respeto lang. Konting pagpapahalaga naman sa pinagsamahan nina Joshua at Julia. Porke ba tahimik ang lalaki ay hindi na sila magpepreno man lang sa pagsasalita?

Nakilala-sumikat si Julia dahil sa matagumpay nilang loveteam ni Joshua na nang magtagal ay nauwi na nga sa isang relasyon. Lahat ng meron si Julia ngayon ay produkto ng kanilang tambalan ni Joshua.

Kahit para man lang sa aspetong ‘yun ay bigyan-respeto naman nila ang binata. Napakalaki ng nagawa ni Joshua para kay Julia, hindi man nagtagal ang kanilang relasyon dahil umeksena na nga si Gerald Anderson, sana’y maghinay-hinay naman ang mag-inang ito sa kadidiin na ngayon lang naging maligaya ng ganyan ang dalaga.

Ano ito, ginamit lang ni Julia si Joshua para sa kanilang mabentang loveteam sa serye at pelikula? Ano ito, sapilitan lang niyang minahal si Joshua Garcia para patuloy ang pagdaloy ng biyaya sa kanyang karera?

Gumawa nga sina Julia at Gerald ng pelikula ngayon? Tingnan natin kung magiging kasing tagumpay ‘yun ng markang iniwan ng JoshLia sa publiko.

Nakahanda na kaya ang kangkungan para sa kanilang proyekto? O baka naman pagpistahan ‘yun ng mga langaw kung matataon na bukas na ang mga sinehan sa pagpapalabas ng kanilang pelikula?

Hanggang hindi umaamin si Gerald Anderson sa pang-iiwan nito kay Bea Alonzo, hanggang hindi malinaw kung inahas nga ba ni Julia si Bea, ay habampanahon silang magiging hari at reyna ng kanegahan sa social media.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with