^

PSN Showbiz

Aljur at Kylie,nagkaayos na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aljur at Kylie,nagkaayos na!
Kylie at Aljur

Siguro nagkaayos na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, base sa ilang huling post ng mag-asawa.

Kamakalawa lang ay nag-post si Aljur sa kanyang Instagram account ng mga kuha ni Kylie sa loob ng kotse. “Many faces of our Queen (heart emoticon) #internationalwomensday,” post niya.

Noong araw ding iyon ay nag-post si Kylie sa kanyang Twitter account ng “Nothing released is fact.”

Kaya may mga nagri-react na meron naman siyang mga ipinost noon tungkol sa kalagayan ng relasyon nila ni Aljur, pagkatapos naiba na ang deklarasyon niya ngayon.

Pero mabuti na rin dahil iyon naman ang gusto ng lahat na magkaayos sila.

Ginagawan naman daw ng paraan ng ilang taong malapit sa kanila na magkaayos sila.

Sana nga matuloy sa pag-aayos.

Jaya, grabe ang hirap na pinagdaanan noong pandemya

Kagaya rin ng karamihan, matinding hirap din ang pinagdaanan ni Jaya nitong pandemya.

Nag-decide na silang mag-asawa na bumalik ng Amerika at doon na magtatrabaho. Malungkot pero inspiring ang kuwento ng Soul Diva nang inilahad niya sa virtual mediacon ng Grateful Tuesdays ang pinagdaanan niya nang magsimula ang pandemya hanggang sa napagdesisyunan nang bumalik sa Amerika.

Katatapos lang daw ng US tour niya nang magsimula ang ECQ kaya ang ginawa raw niya ay linis na lang daw siya nang linis sa bahay nila dahil wala naman daw siyang kasambahay at kahit driver.

‘Yung bahay daw na iyon ay mahihirapang linisin ng isa o dalawang tao, pero nagawa raw niyang mag-isa. “Naramdaman ko lang na nag-focus ako sa isang bagay na hindi ko alam nalulungkot na pala ako, natatakot at nadi-depress.

“I started to lose weight. Hindi ko na-anticipate na hindi na pala ako kumakain nang tama o tamang oras o nag-one meal a day lang ako. Hindi ko ‘yun napansin.

“And of course, I have my kids here…wala namang problema,” pakli ni Jaya.

Ang nadagdag na bigat sa pinagdaanan nila ay nang ma-stroke daw ang kanyang asawang si Gary Gotidoc. Siya pa rin daw ang nagbantay sa hospital ng tatlong araw. “Hindi namin alam na na-stroke na pala ‘yun. So, na-hospital siya ako rin ang nagbantay, lahat…three days later gumaling siya. Pero sa likod ng utak ko parang teka anong nangyayari. Nakakulong tayo, wala tayong work, at may asawa kang nagkasakit, paano ‘yung mga bata?

“So, nagkasunud-sunod na yung fear na  ‘Oh my God baka ‘yung mga anak ko naman magkasakit, hindi puwedeng dalhin sa hospital,” dagdag niyang pahayag.

Ang nagbigay daw ng lakas sa kanya at tatag ay ang patuloy na pagdarasal at kapit sa Panginoon. “There was a bit of panic in my head and the only thing that saved me at that time… because we go to church online.

“So, talagang nakikinig kami ng service. It started to boil up this different kind of faith na wala kang iba talagang kakapitan. Wala. Wala kang ibang pupuntahan, wala kang ibang gagawin kundi be still. There is the only God, be quiet ang pray. Leave it to Him, and that’s what exactly happened,” seryosong pahayag ng singer.

Hanggang sa napagkasunduan na nga raw nilang mag-asawa na bumalik na lang sa Amerika. Mauuna raw muna pa-Amerika si Gary at ang stepson niya. Pero kailangan daw nila ng pera na gagamitin.

Doon nila ibinenta ang ilang property nila sa Tarlac. Sa tulong ng Panginoon ay naging madali naman daw sa kanila na naibenta iyon at nagamit paalis pa-Amerika.

“Two days before they leave, nagkaroon ng sale. Napakamura lang pero nagkaroon ng sale. May lupa kaming nabenta, they were able to go. You know God had better plans. He made us sell the property, nagbayad the same day… that was January 5…7 they depart. They were able to find a job 22 hours later and they were able to find a home to rent na ang laki-laki, ang ganda ganda na parang puwede ba nating bilhin ‘yun someday? Hindi naman binebenta…but you know, He provides.

“Things happened and things start to arise when your faith rises. That’s the reason why I’m going to the States because I think He’s telling me talaga to go there, don’t worry about it,” patuloy na salaysay ni Jaya.

Tuluy-tuloy na raw ang blessings kay Jaya, na ang daming nagpapaabot ng tulong.

Isa na nga si Pinky Tobiano na host ng Grateful Tuesdays na magsisimula na ang season 3 sa March 16.

Si Jaya ang co-host niya rito kasama si Zephanie.

Kahit nasa Amerika naman daw si Jaya, puwedeng-puwede pa rin naman siyang mag-Grateful Tuesdays dahil online.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with