^

PSN Showbiz

Kuwento nina Prince Harry at Meghan, parang fairy tale

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kuwento nina Prince Harry at Meghan, parang fairy tale
Meghan at Prince Harry

Hindi ko alam kung saan ko nabasa o sino ang nagsabi na “it took me several years to make this boy into a man, and just five minutes for that woman to break him” nang maging sunud-sunuran ang kanyang anak sa naging asawa nito.

Naalala ko iyan dahil sa nangyayari ngayon kay Prince Harry at Meghan Markle. Romanticist ako, kinikilig ako sa ipinapakitang complete trust and respect ni Prince Harry sa asawa niya. Pero hindi ba, ‘pag nag-asawa ka, meron ka ring mga sacrifice na ibinibigay, at hindi ba, lalo at alam mo ang laki ng responsibi­lity ng asawa mo, dapat understanding ka?

It took so many years bago bumigay sa pressure ng royalty si Princess Diana, ang mother ni Harry. Kung babasahin mo ang life story niya, alam mo na naging very sad ang married life niya, pero nag-try siyang isalba.

Movie queen si Grace Kelly nang iwan niya ang showbiz para maging bride ni Prince Rainier ng Monaco, hanggang sa mamatay siya, she was a queen beside her husband Prince Rainier.

Ang dali namang bumigay ni Meghan, at bakit parang sobra naman ang pagmamahal ni Prince Harry para maging sunud-sunuran?

Isa lang starlet si Meghan, diborsiyada, may kulay pa, ‘yung tanggapin ka ng royal family ay isa nang malaking karangalan. Dapat alam niya na malaking responsibilidad ang kasama nito, dapat supportive siya bilang wife ni Prince Harry.

Hindi kayang gibain ng isang tao lang ang isang institusyon gaya ng British throne. Sobra ang laki ng ibinigay ni Prince Harry sa pag-ibig niya sa asawa at sa bago niyang pamilya.

Sana worth it ang pag-iwan niya sa posisyon niya, sa kinalakihan niyang tradition. Sana nga isa itong love story na magiging inspiration sa lahat dahil maganda ang ending.

A real life fairy tale. So excited for the ending, happy? Sad? Sana happy.

Raffy at Ted, hindi pinagbago ng tagumpay

Birthday month pala nina Raffy Tulfo at Ted Failon ngayong March.

Bongga ha. Dalawang hard-hitting radio journalist ay parehong isinilang sa buwan ng March. Nasa top of their career sina Raffy at Ted. Both are enjoying high rating and respect, kaya sure ako na wala na silang mawi-wish pa para sa birthday nila.

Nasa kanila na ang lahat sa ngayon, sila na ang top of the line pagdating sa radio, at may TV exposure rin ang kanilang mga radio program kaya lalo pang malakas.

Parehong mabait, approachable at very helpful, hindi pinagbago ng tagumpay ang ugali nina Raffy at Ted. Kaya nga, happy birthday, Papa Raffy Tulfo at Papa Ted Failon, enjoy your day, make it special, because you are both especial to us.

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

PRINCE HARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with