^

PSN Showbiz

Aktres na pinagmukhang kontrabida ng ex, ginamit ang utak kesa puso

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pipiliin lang magsalita ng isang pamosong female personality tungkol sa nakaraang relasyon nila ng isang kilalang aktor ay siguradong mahuhulog ang marami sa kanilang kinauupuan.

Siguradong liligwak ang iniinom nating kape, mabubulunan tayo, dahil sa sobrang pagkabigla sa mga kuwento. ‘Yun ay kung gugustuhing magsalita ng female personality.

Kuwento ng isang source na maraming alam tungkol sa mga nakaraang kuwento ng dating magkarelasyon, “Naku, may makakumbinse sana kay girl na magsalita na para matapos na ang kuwento nila ng lalaking ‘yun!

“Siya pa ang pinalalabas ngayon na masama, napakalinis ng image ng guy, ang nagmumukhang kontrabida pa sa kuwento, e, ang babae!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Ayon sa aming source, kung ang natagpuang babae lang ng male personality ay maepal, palasawsaw at mapagpatol sa mga isyu ay siguradong wasak na wasak na ngayon ang aktor, baka mas piliin na lang kuno nitong bumalik sa probinsiyang kanyang pinagmulan.

“Kaso, edukada ang girl, nasasaktan na nga siya, e, nananahimik pa rin! Siya na nga ang pinala­labas na kontrabida sa kuwento, pero sarado pa rin ang bibig niya!

“Naku, kapag nagdesisyon siyang magsalita na at ikinuwento niya ang pinakamatinding pinagtalunan nila ng guy, napakatinding issue nu’n na siguradong tatakbo nang kung ilang buwan!

“Mahe-headline ang male personality na ‘yun hanggang sa CNN, pagpipistahan talaga siya, dahil lalabas ang katotohanan na kaya sila nauwi sa hiwalayan, e, dahil sa matinding kapritso ng lalaki na hindi pinayagang mangyari ng girl!

“Nakakaloka ‘yun! Mabuti na lang at nasa tamang huwisyo ang girl na hindi basta-basta na lang pumapayag sa boyfriend niya sa kung ano ang gustong ipagawa sa kanya!

“Paano na lang kung pumayag siya, e, di kumakabog ang dibdib niya ngayon dahil siguradong siya ang masisira? Buti na lang! mabuti na lang at ginamit ng girl ang utak niya kesa sa puso niya!

“Mula nu’ng tanggihan ng girl ang gustong mangyari ng guy, e, hindi na siya kinibo, hindi na rin siya tinawagan, walang kahit anong text!

“Kaso, hindi umepek ang drama niya sa girl, pinabayaan na lang siyang mawala, kesa naman sa sundin niya ang gusto ng male personality na siguradong pagsisisihan niya habambuhay!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie, nawalan ng boses sa sobrang pagod

Sayad na sayad ang boses sa pagho-host ni Willie Revillame nu’ng Huwebes nang hapon. Halos pumiyok na ang kanyang boses sa pamamahagi ng ayuda sa mga tinatawagan niyang kababayan natin.

“Wala na akong boses, pero okey lang, tuloy pa rin ang pagtawag natin para makatulong tayo sa mga kababayan nating may matinding pangangailangan,” sabi ng TV host.

Tinext namin siya, “Hindi bale nang wala kang boses, malaki naman ang puso mo at ang eyebags mo! Nagmumura ang eyebags mo, halatang-halatang wala kang pahinga sa katatrabaho!”

Nang mag-commercial break ang Tutok To Win ay sumagot siya, “Hehehe! Tama! Ako na ang lalaking walang pahinga!”

Si Willie ang klase ng taong susukuan ng trabaho, hindi siya mapakali nang wala siyang pinagkakaabalahan, nanghihinayang siya sa mga oras na dumadaan nang nakaupo lang siya.

Akala siguro ni Willie ay siya si Superman, walang kamatayan, kaya sagaran siya kung magtrabaho. Ipapahinga niya na lang ay mauudlot pa, may maiisipan na naman siyang gawin para sa kanyang show, kaya palagi ring nakaalerto ang kanyang production staff.

Komento ng isang kaibigan naming umaawas ang yaman, “Ganyan talaga ang taong masipag, itutulog na lang at ipagpapahinga, gagamitin pa ang oras niya sa makabuluhang bagay.

“Hindi nakapagtatakang yumaman nang ganyan si Willie, trabaho ang sumusuko sa kanya, wala siyang sinasayang na oras. Hindi na ‘yan paghahabol sa iyayaman pa niya, system na niya ‘yan, hinahanap na ng katawan niya ang trabaho,” sabi ng aming kausap.

Sabado at Linggo na dapat sana’y pahinga niya na ay nilalagare pa rin ni Willie ang paglipad sa Tagaytay para sa malapit na niyang matapos na resort-villa, makapananghali ay lilipad naman siya sa Puerto Galera para sa sinisimulan na niyang 7-star hotel, Lunes nang umaga na siya bumabalik sa Maynila.

‘Yun ang pinaka-therapy niya mula sa isang linggong pagho-host, ‘yun na ang kanyang kaligayahan, habang kasama ang kanyang mga anak at apo.

Pero iisa lang ang buhay. Bilyonaryo na si Willie Revillame ngayon, pero walang mabibiling bagong buhay ang kanyang bilyon kapag nawala na, kaya pahi-pahinga lang kapag may time.

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with