^

PSN Showbiz

Babaeng walang pakialam sa mundo, nakahanap ng katapat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang reklamo ang partido ng isang kilalang female personality sa mga nagaganap sa kanyang personal na buhay ngayon. Sang-ayon pa nga ang mga ito sa sitwasyon. May nakita na raw katapat ang kontrobersiyal na aktres.

Sa kanilang opinyon ay maganda ang mga nangyayari ngayon, nakatagpo ang female personality ng isang disiplinadong lalaki, masusuheto raw nito ang mga bisyo ng babae.

Pag-alala ng aming source, “Teenager pa lang kasi ang girl, e, sinukuan na siya ng family niya. May katigasan ang ulo ng girl! Wala siyang pinakikinggan!”

Palibhasa’y mula sa isang mayamang angkan, palibhasa’y nasusunod niya ang lahat ng kanyang mga layaw, lumaki ang female persona­lity na parang walang mga pinapangarap.

Patuloy ng aming impormante, “Kapag nakahain na kasi sa tao ang lahat-lahat in silver platter, parang wala na siyang pinapangarap pa. Para saan nga naman ang mga ‘yun, e, wala naman siyang pinoproblema sa buhay?

“So, lumaki siyang spoiled, lumaki siyang walang pinoproblema kundi kung saan siya pupunta para makipag-inuman sa mga friends niya! Ganu’n lang ang ikot ng buhay niya nu’n!

“Iinom siya nang sagaran ngayong gabi, uuwi nang madaling-araw na, matutulog siya hanggang sa hapon dahil may sipa pa ang ininom niya, gabi na siya gigising! Ganu’n ang everyday na nagaganap sa buhay niya!” kuwento uli ng aming source.

Pagbabago ang gustong makita ng partido ng female personality. Hindi na siya bumabata, meron na siyang anak, kaya kailangang pagtuunan na niya ng atensiyon ngayon ang kanyang personal na buhay.

Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Nakakakita sila ng magagandang senyales ngayon dahil mukhang natagpuan na ng girl ang taong makapagpapabago sa mga prayoridad niya sa buhay.

“Disiplinado ang guy, hindi niya madaling maiimbita sa bisyo niya. Umiinom din ang male personality, pero kapag may okasyon lang, hindi tulad ng girl na pangmumog niya na sa umaga ang alak.

“Kaya masaya ang mga kapamilya at kaibigan ng babae, baka ang lalaking ito na ang maging sagot sa mga dasal nila. Huwag daw sanang magpadaig ang guy sa mga kapritso ng girl.

“Harinawa! Siya na nga sana ang maging susi sa pagbabago ng girl na walang pakialam sa buhay!” pabuntong-hiningang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Programming ng TV5, busog na busog na

Simula bukas, ang blokeng alas otso hanggang alas diyes y medya nang gabi, ay mapapanood na sa TV5 ang apat na programa ng ABS-CBN.

FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam at PBB Connect. Ito ang mga programang mapapanood na sa TV5 magmula bukas nang gabi.

Nang i-announce namin sa Cristy Ferminute nu’ng Biyernes nang hapon ang balita ay napakaraming nabulabog. Hindi sila makapaniwala, maraming tumawag sa amin na parang nagdududa, baka raw kuryente ang balitang inilabas namin.

Isang ehekutibo pa nga ng ABS-CBN ang tumawag sa kaibigan naming manager, naunahan daw sila ng CFM sa paglalabas ng balita, pasensiya na lang dahil mas maganda ang time slot ng aming programa.

Busog na busog ang programming ng TV5 mula bukas nang gabi. Pagkatapos ng Frontline Pilipinas ay kasunod na agad ang Paano Ang Pangako ng TV5, pagkatapos ay sunud-sunod nang mapapanood ang mga bagong lipat na shows ng ABS-CBN.

Komento ng isang nakakuwentuhan namin, “Napakatindi talaga ng epektong nagawa sa Dos ng pagkawala ng kanilang prangkisa. Namamana sila sa dilim ngayon. Kailangan talaga nila ng isang network na pagpapalabasan ng mga programa nila.

“Limitado ang galaw nila kung sa mga digital channels lang sila napapanood. Natural, hindi rin sila papasukin ng mga ads kung ganu’n.

“A station of national-international category ang kailangan nila, kaya TV5 ang naging solution sa problema nila. Nakakagulat na nakakalungkot ang nangyayari ngayon.

“Imagine, ang pinakamakapangyarihang network nu’n, biglang nawalan ng power, nakikipag-collab na lang ngayon sa ibang istasyon? Sino ang mag-aakalang mangyayari pala sa kanila ang ganyan?” komento ng aming kausap.

Walang forever, napakagasgas nang linya ‘yun, walang kasiguruhan at hindi naipapangako ang bukas.

Pero pinakamahalaga ang pagbangon, ang hindi pagtulog sa nakaraan, tuluy-tuloy lang ang laban!

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with