^

PSN Showbiz

Kampo ni Sarah itinangging nilayasan na ang Kapamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Sarah itinangging nilayasan na ang Kapamilya
Sarah

Maliwanag ngayon na hindi totoo ang kumakalat na balitang magkakaroon ng sariling talent search show sa TV5 si Sarah Geronimo.

Nilinaw ng kanyang manager na si Vic del Rosario na mananatiling exclusive sa Kapamilya network ang Popstar Princess kagaya ng dati.

Si Sarah ay naging exclusive sa ABS-CBN matapos na manalo at sumikat sa Search for a Star na ipinalalabas noon sa Channel 13 at ang producer ay ang Viva.

Kaya naman ang kontrata ni Sarah ay sa Viva.

May mga sumusulpot kasi ngayong comment na kung kailan daw kailangan ng suporta ng ABS-CBN dahil off the air sila sa free TV at nakiki-blocktime lamang sa iba at inilalabas sa internet ang mga programa nila ay saka naman umalis si Sarah dahil nga sa lumabas na art card ng Pop Princess sa TV5 social media account na magho-host ito ng isang game show doon.

Ayon sa Viva executive, in-endorse lamang ng Pop Princess ang show dahil sa pagiging endorser nito ng Talk and Text na major sponsor ng show at hindi magho-host ng show sa TV5.

At nakasaad umano ‘yun sa kontrata ni Sarah.

Samantala, sa ngayon ay wala pa talagang kasiguruhan ang ABS-CBN. Hindi tamang sabihin na basta nawala na si puwesto si Presidente Duterte ay makapagbubukas na sila ulit. Papaano kung ang sentimiyento ng susunod na presidente ay kagaya rin ng kay Duterte?

Mahihirapan pa rin ang ABS-CBN, at kung nakatali exclusively ang mga artist, papaano na sila?

Hindi bale iyong kagaya nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid na matagal na sa industriya, o iyong mga uncertain pa kung sisikat nga ba o hindi, puwede nang sumugal ang mga iyan.

Patrick at Nikka, diniskubre na agad kanilang baby boy

Lalaki ang magiging kasunod na baby nina Patrick Garcia at Nikka Martinez. Iyon daw ang lumabas sa isang makabagong test na ginawa kay Nikka, kaya hindi na sila kailangang maghintay ng ilang buwan para malaman ang gender ng kanilang fourth child na karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng scanning.

Aywan nga ba kung bakit ngayon gusto nilang inaalam agad ang magi­ging gender ng kanilang isisilang pa lamang na baby. Iyong iba sinasabi namang nawawala ang excitement ng paghihintay ng siyam na buwan.

Ang advantage nga lang ng ganun, naihahanda na ang gamit ni baby bago pa man siya isilang.

Oras na maipanganak na nga raw ang kanilang baby boy, papangalanan iyong Jess Damaso, na hango sa pangalan ng kanilang mga lolo. Sa isang baby shower na dinaluhan ng pamilya ni Patrick at pamilya ni Nikka, tala­gang nagsaya sila nang husto, matapos na mag-announce si Patrick na ang magiging anak nila ay lalaki,

Tiyak na makukuha ng bagong baby ang atensiyon ng kanilang mga pamilya, lalo na nga’t iyan ang una nilang baby boy. Pero sa kaso ni Patrick, may anak na siyang lalaki, si Alex Jazz na anak naman niya sa dating girlfriend na si Jennylyn Mercado. Pero hindi naman niya nakasama, o nakasama ng kanyang pamilya. Kung sa bagay, sinasabi naman nila na malapit ang bata kay Dennis Trillo na siyang boyfriend naman ngayon ni Jennylyn. Iyong tunay namang anak ni Dennis na si Calix ay hindi naman niya masyado nakakasama dahil nasa pangangalaga iyon ng ina na si Carlene Aguilar na asawa naman ngayon ni Yo Ocampo.

Mga taga-showbiz suwerte na hindi priority sa babakunahan

Sa nangyaring hindi pagkakaintindihan ngayon sa bakuna laban sa COVID-19, sinasabing mabuti nga at wala sa priority ang mga taga-showbiz. Ang gulo kasi dahil marami ang pumayag na mabakunahan dahil sa paniwalang ang isasaksak sa kanila ay Pfizer, tapos nalaman nila na Sinovac lang pala ang dumating. Umurong ulit sila.

Ang mga taga-showbiz, dahil wala naman sa priority list at posibleng makatanggap ng bakuna sa susunod na taon pa, at tiyak na pagbabayarin na para sa bakuna ay mas masuwerte. Una, siguro darating na ang mas pinagkakatiwalaang bakuna. Ikalawa, dahil mas matagal na at marami na ang nabakunahan, mas sigurado na sila.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with