^

PSN Showbiz

Kapamilya bumabawi sa YT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang ABS-CBN Entertainment na pala ang na­ngungunang YouTube channel sa buong Southeast Asia matapos nitong maitala ang pinakamaraming subscribers at pinakamaraming views sa lahat ng channels sa rehiyon.

Noong Pebrero, umabot na diumano sa 32.7 milyong subscribers at higit sa 43 bilyong views ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga naka-subscribe sa aming YouTube channel at patuloy na nanonood ng ABS-CBN entertainment shows online. Ibinabahagi namin ang pagkilalang ito sa lahat ng aming mga Kapamilyang patuloy na minamahal at sinusuportahan ang aming mga palabas. Patuloy kaming gagawa ng mga kwento at karanasang nagbibigay ng saya at inspirasyon at maghahanap pa ng mga paraan para maabot at mapaglingkuran ang aming mga Kapamilya,” pahayag ni Cory Vidanes, ang chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN.

Marami pa umanong aabangang bagong palabas ang subscribers ng channel ngayong taon, sa pagdating ng mga teleseryeng Huwag Kang Ma­ngamba, La Vida Lena, tagalized episodes ng Count Your Lucky Stars ni Jerry Yan, Init sa Magdamag,  at Almost Paradise, ang pinakaunang American TV series na kinunan sa Pilipinas at co-produced ng ABS-CBN.

“Malaking bahagi ng tagum­pay ng aming YouTube channel ang Kapamilya Online Live dahil doon umaasa ang ating mga Kapamilya na hindi kami napapanood sa TV. Nagpapasalamat kami sa aming subscribers na laging nakaabang sa mga paborito nilang programa at nakikipagbalitaktakan kasama ang iba pang tumututok sa live chat at habang gap shows,” ayon naman kay Richard Reynante, ang ABS-CBN digital content publishing head.

“Ilan lamang sa mga pinakatinututukang programa sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at It’s Showtime,  ayon kay Reynante.

Ayon naman sa digital head ng network na kasalukuyang hindi nakakapag-operate sa free TV na si Jamie Lopez, “Ang paglawak ng aming YouTube channel ay patunay na tinatangkilik ang mga palabas ng ABS-CBN hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Bilang mga taga­kwento, layunin naming maabot pa ng aming mga serbisyo ang mas maraming tao sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aming digital platforms gaya ng iWantTFC, KTX.PH, MOR Entertainment, at marami pang iba.”

May regret kaya ang mga artistang nagsialisan sa kanila nang hindi payagang magkaroon uli ito ng franchise?

 

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with