^

PSN Showbiz

Ipon ng sexy actress, nasaid sa ex na komedyante!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang tanong….!!!! Makikipagbalikan pa kaya ang isang kilalang sexy actress sa ex niyang komedyante? Ngayong basyo ang puso ng female personality, piliin kaya niyang balikan ang komedyante, para lang masabing masaya rin siya ngayon?

Magpadala kaya sa kanyang emosyon ang sexy actress dahil ipinagbabanduhan na ng kanyang ex at ng bagong karelasyon nito na walang duda na sila na nga?

Napakabilis nagbigay ng komento ang aming source na nakasaksi sa nakaraan nilang relasyon, “Naku, hinding-hindi ‘yun mangyayari! Siguradong haharang sa kanila ang mismong pamilya ng girl!

“Hindi ‘yun magagawa ng girl, ano nga naman ‘yun, willing victim na naman siya kapag nagkataon?” unang hirit ng aming source.

Ang unang-unang makakalaban ng komedyante ay ang mga magulang ng sexy actress, sila ang nakakaalam ng kuwento kung paano nabasyo ang bank book ng kanilang anak, sa totoo lang.

Patuloy ng aming impormante, “Naku, walang maitatago ang komedyanteng ‘yun! Alam na alam ng parents ng sexy star ang kinahinatnan ng naiipon ng girl nu’ng maging sila!

“Imagine, maraming naiipon ang girl nu’ng mag-umpisa ang relasyon nila. Pero habang nagtatagal sila, e, parang ilog na natutuyuan ng tubig ang bank book ng babae!

“Kung tawagin ng kampo ng girl ang lalaking ‘yun, e, si Boy Parinig! Magaling magparinig ang komedyante! Hindi siya diretsong humihingi sa babae, idinadaan niya ‘yun sa pagpaparinig!

“Ang dami-daming kuwento ng parents mismo ng girl tungkol sa galing maglambing ng male personality sa girlfriend niya!” humahalakhak na kuwento pa ng aming source.

Nagulantang na lang ang pamilya ng aktres isang araw, halos wala nang natitira sa ipon ng babae, samantalang wala naman siyang nabibiling kahit ano para sa kanyang sarili.

Kuwento pa uli ng aming source, “Paano nga, nagetlak na ‘yun ni Boy Parinig! Maluho siya, maambisyon sa mga branded stuff, pero sa girl lang naman siya umaasa!

“At kasali pati ang family ng guy sa mga parinig niya, kesyo dream kuno ng mommy niya na makabili ng iba-ibang furniture, kaya ang lukring namang babaeng hulog na hulog sa malambing na lalaki, buy lang nang buy!

“Kaya malabong magkabalikan pa ang dalawang ‘yun! Siguradong hihiga sa kalye ang mga magulang ng girl para hindi na mangyari ‘yun! Safe na safe na ang girl, tama na, tantanan na!” humahalakhak habang napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jodi, naniniwala sa ‘less is more’

Mahaba at makabuluhan ang pag-uusap namin kahapon nang umaga ng isang kaibigan-katrabaho ni Jodi Sta. Maria na malapit din sa amin.

Humaba ang aming kuwentuhan dahil una muna naming tinutukan ang napakahusay na pagganap ng aktres sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin bilang si Marissa na mortal na kaaway ni Elisse (Iza Calzado).

Masama ang loob namin kapag nakalulusot sa amin ang episode ng serye, pati ang Walang Hanggang Paalam ni Paulo Avelino, ‘yun ang kumukumpleto sa aming gabi.

Pagkatapos nu’n ay nagtanong ang aming kausap, “Nabasa namin ni Jodi ang sinulat mo sa PSN na hinding-hindi niya papatulan ang mga patutsada sa kanya ni Claudine (Barretto). How much do you know her ba?

“Bakit basang-basa mo siya? Lahat ng opinyong ibi­nigay mo, ‘yun talaga siya. Hindi niya talaga papatulan ang mga ganu’ng pampo-provoke sa kanya,” tanong-opinyon ng aming kausap.

Kredibilidad. ‘Yun lang ang sinasandalan namin sa pag-oopinyon tungkol kay Jodi. Buung-buo ang kredibilidad sa amin ng magaling na aktres.

Kahit nu’ng panahong ipit na ipit na siya at hinuhusgahan ng publiko tungkol sa nakaraan nilang relasyon ni Pampi Lacson ay wala tayong narinig. Maging nang maghiwalay sila ni Vice Governor Jolo Revilla ay may narinig ba tayong anuman mula kay Jodi?

Nagulat na lang tayo dahil magkakasama na silang nangingibang-bansa nina Pampi at Iwa Moto at ng kanilang mga anak. Plantsado na pala ang naging problema nila nang wala tayong kaalam-alam.

Matindi ang respeto ni Jodi sa kanyang sarili kaya hindi rin niya gugustuhing mawalan ng respeto at makapanakit ng kanyang kapwa. Panahon ang pinababayaan niyang magpagal­ing sa sugat na nararamdaman niya.

Tama lang ang ginagawa niyang pananahimik, mas magandang pinagtutuunan niya ang matagumpay na paglabas sa relasyon, hindi kailangan ni Jodi Sta. Maria ng mga palakpak kundi isang positibong marka sa bawat pagtatapos ng yugto ng kanyang buhay.

Tumirik man ang mga mata ngayon ni Claudine Barretto, mamaos man ito sa kasisigaw at kapaparatang laban kay Jodi Sta. Maria ay sorry na lang, bulag at bingi ang aktres sa mga negatibong bagay.

Matalino si Jodi, hindi lang siya namimili ng giyerang papasukan niya, alam na alam din niya ang eksaktong pakahulugan sa kasabihang less is more.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with