Andrea, pinagpapasa-diyos sina Derek at Ellen?!
‘God is my answer to everything’ ang parang sagot ni Andrea Torres sa pag-amin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na sila na for a month now sa interview ng kaibigang si Arniel Serato ng pep.ph.
Consistent kasi ang pananahimik ni Andrea pero sa kanyang Kumu interview the other night at parang hindi raw ito affected at tawa raw nang tawa sabi ng isang nakapanood sa actress.
Umamin din umano ito sa nasabing interview na hindi siya masalita sa kahit anong bagay dahil ayaw niyang makasakit ng damdamin kaya pinag-iisipan daw niyang mabuti ang mga sasabihin.
Samantala, may ilan naman nagdududa na baka raw rebound lang ang relasyon nina Derek at Ellen dahil pareho silang galing sa failed relationship.
- Latest