^

PSN Showbiz

Joshua, ‘nagagamit’ ni Julia!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua, �nagagamit� ni Julia!
Julia at Joshua

Tama nga siguro na ‘yung ginawa nilang music video na akma raw sa tunay na buhay ay parang pasakalye lamang ng isang project na ipagagawa kina Joshua Garcia at Julia Barretto. Siguro tinitingnan nila kung may kakagat pa nga at “two birds with one stone” sila. Una, napansin ang music video at ang kanta ni Moira dela Torre, ikalawa, nakita nila na nag-viral iyon dahil kina Joshua at Julia.

Ngayon iniisip na nilang gawing pelikula ang kanta ni Moira at siyempre sina Joshua at Julia ang bida. “Two birds with one stone” na naman ang target. Kung kikita ang pelikula at kikita rin ang kanta ni Moira.

Pero ang talagang dehado sa ganyang pro­ject ay si Joshua Garcia. Through the years kinilala na si Joshua bilang isang mahusay na actor. Naalala nga namin ang comment ng ilang kritiko na nag-review ng kanyang pelikula noon na nagsabing “sino nga iyong batang iyon. Napakagaling umarte.”  Isipin ninyo ni hindi pa siya kilala dahil bago pa lamang siya, tapos ang napansin agad ay iyong potential niya bilang isang actor. Sa pagdaraan ng panahon, lalong humusay si Joshua, at nakakahinayang kung bibigyan lang siya ng project na gagamitin ay ang controversy ng buhay nila at matatabunan ang kanilang talents.

Sa panahong ito, palagay namin dapat nang simulan si Joshua sa mga mas mabibigat na pelikula, lalo na’t sooner or later magbubukas na ang mga sinehan at kailangan nila ng mga matitinong pelikula at may potential kumita sa takilya. Malaking advantage nga na nakakawala na siya sa isang love team, at least makakapagsimula na siya sa mas matured na roles, at mas magagawa niya iyan kung iba-iba ang kanyang leading ladies at hindi lamang nakatali sa isang ka-love team. Sayang ang galing ni Joshua kung matatali siya sa ganyan.

Napatunayan na rin naman niya na mas umangat ang kanyang career, at mas dumami ang kanyang product endorsements simula noong mahiwalay siya sa isang love team. Maliwanag na ang gusto ng market ay walang ka-love team si Joshua, eh bakit naman ipipilit pa nila?

Pero walang duda, makikinabang diyan si Julia. Talagang nasinok ang kanyang career doon sa issue ng ”ghosting.” Nadagdagan pa iyon ng kaguluhan ng kanyang pamilya na kinasangkutan niya.

Mahirap makabawi iyan. Parang hinuhukay mo ulit sa ilog iyan. Kailangan niyan ng makakapitan. At delikado, dahil maaaring umangat siya pagkatapos noon o matangay niya pababa ang kanyang kakapitan.

Janno at Kitkat natanggal sa show na konti ang nakapanood

Sayang, hindi pa namin napapanood kahit minsan man ang kanilang noontime show, naalis na pala sina Janno Gibbs at Kitkat sa programa. Nagsimula lang iyan sa isang “alaskahan” na nagkapikunan. Sila mismo ang naglabas ng issue sa social media. Wala naman kasing nag-uusap tungkol doon kung hindi nila inilabas at nagsagutan pa sila sa social media. Iilan lang naman siguro ang nakapanood noon sa kanilang show.

Ang problema sa show nila, hindi mo nga alam kung saan mo mapapanood, eh kung kailangan ka pang mag-log in sa internet, isipin ninyo doble gastos. May bayad na sa kuryente, may bayad pa sa internet.

Pero siguro nga tama ang desisyon ng management. Para hindi masabing may pinaboran sila, pareho nilang pinag-resign ang dalawa, bawas-gastos pa nga naman sa kanila, dahil hindi pa naman kumikita ang kanilang show sa ngayon.

Dating sikat na matinee idol, mas mura ang bayad sa pakikipag-date kesa sa binebentang sex video

Usap-usapan ngayon ang sex video ng isang dating sikat na matinee idol. Talaga raw show all iyon, sabi nila at may limang iba’t ibang version. Tatlo ang solo niya, iyong isa ay may kasamang girl pero hindi ang girlfriend niya, at iyong isa naman ay may kasamang isa ring good-looking gay. Sa abroad daw ginawa ang video, na pinaniniwalaan namin dahil sa ginamit na technology. Hindi mo maaaring kopyahin ang video. Kaila­ngang bumili ka ulit ng kopya kung gusto mo ng extra copy.

At talagang pagkakakitaan, dahil ang kopya ng bawat isa ay P10K. Kung gusto mong mapanood ang buong set, kailangang magbayad ka ng P50K. Pero sabi nga ng isang bading, “bakit ako gagastos ng P50K sa video niya, eh P35K lang nakikipag-date na siya.”

Iyon lang.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with