^

PSN Showbiz

Female personality tamad-tamaran NA, umaasa na lang sa taong naaawa sa kanya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man panahon ng pandemya ay talagang apektado na ang kabuhayan showcase ng isang kilalang female personality. Wala pang lockdown at wala pang salot na nagpapahirap sa buong mundo ay hirap na hirap na ang kanyang bulsa.

‘Yun ang dahilan kung bakit kalat-kalat ang kanyang pagkakautang. Meron siyang obligasyong dapat bayaran sa kanyang mga kaibigan, sa mga kaibigan ng kanyang kaibigan, sa mga negosyanteng nakikilala niya lang at sa marami pang ibang tao.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang nagsasalita ang isang female celebrity, pero kapag nainis ‘yun, e, siguradong mapapahiya siya! Nakipag-close siya sa taong ‘yun, pero sa bandang huli, e, inutangan niya lang naman!

“Ilang taon na ang utang niya du’n sa female celebrity? Hindi man lang siya nakapagbabawas, wala na ngang interest ‘yun, e, pinababayaan lang niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Inutangan din ng kilalang female personality ang isang businesswoman na nakilala lang niya dahil sa isang kaibigan. Milyon ang utang niya sa negos­yante. Hindi rin siya nakapagbabayad kaya nakaiisip ng paraan ang businesswoman para mapakinabangan man lang siya.

Patuloy ng aming source, “Mga events ang negosyo nu’ng inutangan niya, tumatanggap ng mga shows everywhere, kaya du’n siya pinapupunta. Du’n sa probinsiya ng negosyante, e, napaka-familiar na ng face ng female persona­lity, kasi nga, umuupo siyang judge sa kahit anong pa-contest! Mismo! Palagi siyang present!

“Honorarium lang ang ibinibigay sa kanya, panggasolina lang, dahil ihinuhulog nu’ng businesswoman ang talent fee niya sa pagkakautang niya!

“Nakakaloka! Hindi pa pandemya nu’n, ha? Bakit kaya? Hindi na kaya siya binibigyan ng kadatungan ng isang female personality na palaging umaalalay sa kanya?

“Puwede naman kasi siyang magtrabaho, kung bakit naman ayaw niyang gumalaw! May mga sumusugal pa rin naman sa kanya, pero siya ang nagtatamad-tamaran!

“Kung sinu-sino ang inuutangan niya, sandali pa lang niyang nakikilala ang ipinakilala lang naman sa kanya, e, utangan blues na agad ang kasunod nu’n!

“Lalo na ngayong pandemic, paano na siya? Aasa na lang siya sa mga taong naaawa sa kanya? Nakakaloka ang babaitang ito! At nagtataray-taray pa sa karelasyon ng ex niya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kylie at Aljur,  nung December pa  may isyu sa pera

Nakakuha kami ng malinaw na impormasyon mula sa isang source na hindi nanununog at nangu­nguryente tungkol sa kasalukuyang sitwas­yon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sobrang lungkot ang nararamdaman ng aming source dahil napakaaga raw bumitiw ni Kylie sa relasyon nila ni Aljur. At sa social media pa niya ‘yun pinadaan, hindi sa pakikipag-usap nang masinsinan sa kanyang asawa, wala raw respeto si Kylie sa aktor.

Pera at babae ang sinasabing dahilan ng kanilang hiwalayan. ‘Yun ang pinag-ugatan, sabi ng mas nakararami, sa pagsigaw ng kalayaan ni Kylie.

Kuwento ng aming kausap, “December last year pa lang, meron na silang pinagdadaanan. ‘Yung sa issue ng pera, may katotohanan ‘yun, pero ‘yung nambababae si Aljur, kalokohan ‘yun!

“Hindi sila pinababayaan ni Aljur, kahit sa buong pandemya, hindi sila nagutom. Hindi man malaki ang kinikita niya ngayon, e, priority pa rin si Kylie at ang mga anak nila sa kinikita ni Aljur.

“Pero may mga nakarating na kuwento sa kampo ni Aljur, mga salita ni Kylie ‘yun na talagang dinamdam ni Aljur. Very supportive sa kanila ang mga Abrenica.

“Naiintindihan nila na limitado ang mga projects ngayong pandemic. Tumutulong sila kina Aljur at Kylie. Hindi na nila kailangang humingi, pakiramdaman lang,” kuwento pa ng aming impormante.

May kuwentong nakarating sa panig ni Aljur na si Kylie mismo ang nagsasabi sa kanyang mga nakakausap na nagtatamad-tamaran daw si Aljur, ayaw magtrabaho, sa kanya lang daw umaasa ang kanyang mister.

Dagdag na komento ng aming source, “Walang katotohanan ‘yun! Masipag si Aljur. Priority niya ang pamilya nila. Hindi sila nagutom kahit minsan. ‘Yung pambababae raw ni Aljur?

“Kalokohan ‘yun! Malaking kalokohan ‘yun! Walang suportang ebidensiya ‘yun! ‘Yung problema nila financially, kapani-paniwala ‘yun!

“May naghahanap, may hinahanapan, may bumibitiw, may gustong magsalba ng relasyon, ‘yun ang totoo!” napakadiing sabi ng aming kausap.

Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan ngayon ay pagtulungan sana nina Aljur at Kylie na maisalba ang kanilang relasyon. Sayang na sayang.

Ipinaglaban nila nang magkahawak-kamay ang pagmamahalang ito.

vuukle comment

FEMALE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with