^

PSN Showbiz

Rica inaming may nakaraan sila ni Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rica inaming may nakaraan sila ni Piolo
Rica
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Rica Peralejo sa publiko sa pamamagitan ng sariling YouTube channel ang naging relasyon nila ni Piolo Pascual noon. Sinagot ng aktres ang ilan sa mga tanong mula sa netizens sa video blog. Isa dito ay kung naging magkasintahan ba sina Rica at Piolo dati. “Hindi ‘to pa-safe ha, yes and no. Yes in the sense na ang deep naming dalawa with each other. But we never put a label on ourselves. Never naming binigay ‘yon sa isa’t isa. Tapos hindi rin kami umamin sa public about dating or liking each other,” pagtatapat ni Rica.

Ayon sa aktres ay napag-uusapan na rin nila noon ni Piolo ang tungkol sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa. “We really liked each other. We would talk about the future like being husband and wife and all that. I did that also with Bernard (Palanca, dating kasintahan ni Rica). Parang gano’n naman kapag may somebody ka na you want to be serious with eh. Sometimes you can’t help but move forward with your thoughts na parang when the day comes. I’m not going to say that I was the only one sa buhay niya,” pagdedetalye niya.

Kahit nagkamabutihan ay hindi naman umano umabot sa punto na nakapag-propose ng kasal si Piolo kay Rica. “Hindi, however, Piolo was actually the first one to invite me to church, together with Dante Nico Garcia (kaibigan nina Rica at Piolo). And I think that was largely the purpose of Piolo in my life. To bring me closer to God, and when I met Jesus, I realized this was the Man I needed to get to know in my life at the time. And for that, I will be forever grateful to Piolo, for bringing me one step closer to the truest love of my life,” giit ng aktres.

Gerald, masaya ang puso

Nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan ang magkaibigang sina Gerald Anderson at Joe Vargas sa YouTube channel ng huli.

Natanong ng dating Pinoy Big Brother housemate si Gerald kung ano ang pananaw nito tungkol sa pag-ibig. “Kailangan buo ka rin bago ka pumasok sa isang relasyon, para hindi ka umaasa sa isang tao lang. Kailangan buo ka, buo ‘yung partner mo, para ‘pag magsama kayong dalawa, may teamwork and understanding. Kung ano man ang insecurities n’yo sa buhay, kumbaga huwag n’yo ipasa sa partner n’yo ‘yan. You have to work through it together,” makahulugang pahayag ni Gerald sa vlog.

Naitanong rin ni Joe kung nagpaplano na rin bang magpakasal ang aktor. May bulung-bulungan na si Julia Barretto diumano ang kasintahan ni Gerald. “Siyempre naman! Iyon ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan,” giit niya.

Wala mang pag-amin kung sino ang karelasyon ay aminado naman ang binata na masaya ang lagay ng kanyang puso ngayon. “Sobrang saya. Marami akong dahilan para maging masaya,” dagdag ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

RICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with