^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, tinatago sa mga bisita ang kasama sa bahay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakatawa ang kuwentong ito. Maigsi lang ang ikot ng istorya pero rock! Ang bumibida dito ay isang sikat na male persona­lity at isang babaeng personalidad na pinaniniwalaan ng mas nakararami na nagli-live-in na.

“Juice colored! Hindi lang ang role niya ang maligalig! Pati ang personal life niya, e, ganu’n din!” unang sultada ng aming impormante.

Kapag may dumalaw kunong kamag-anak ang male personality sa kanyang mansiyon ay hindi muna makapapasok ang bisita, itatawag muna ‘yun kay aktor, naghihintay lang sa labas ang mga kadugo niya.

Kuwento uli ng aming source, “Paano, may mahigpit muna siyang bilin sa kausap niya sa phone! May mga kailangang iligpit sa bahay, para walang pagmulan ng milagro!

“Kamag-anak na niya ‘yun, ha? Pero hindi pa puwedeng basta pumasok na lang sa bonggang-bongga niyang bahay! At ano naman ang kailangang iligpit?” biting reaksiyon ng aming impormante.

Hindi kagamitan ang kailangang iligpit, mga tao, habang nandu’n ang bisita ay hindi puwedeng lumabas ng kuwarto ang mga itinatago ng male persona­lity.

“Nakakaloka! Talagang malihim ang male personality, ayaw niyang makita ng kahit sino ang mga ipinaliligpit niyang tao!

“Kaaway lang ang inililigpit, di ba? Tulad ng mga kaaway niya sa isang palabas, pero hindi ang mga importanteng tao sa buhay niya!” manghang-manghang kuwento ng aming source.

Ang tanong, naaarawan kaya ang mga taong mahalaga sa buhay ng male personality? Nakalalabas ba kahit hanggang sa bakuran lang ng mansiyon ang mga ipinaliligpit niya?

Humahalakhak na sagot ng aming impormante, “E, ‘yung pinataasan ng male personality ang bakod ng mansiyon niya? Mataas talaga, ‘yung walang makasisilip, unless, gumamit ng crane!

“Hay, naku! Nakakaloka ang sitwasyong ganu’n, ang dami-dami nilang kinatatakutan, marami silang iniiwasan! Bakit kaya hindi na lang niya itira sa bundok ang mga ipinaliligpit niyang taong napakahalaga sa buhay niya?” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angel at Neil kita ang kaligayahan sa kanilang katawan

“It’s a tie!” unang reaksiyon ng isang kasamahan namin sa trabaho nang tumawag sa amin kahapon nang umaga. “Nakatutok tayong lahat kay Angel Locsin, e, tingnan n’yo naman si Neil Arce, lumolobo na rin!”

Totoo nga naman, napakalaki na rin ngayon ni Neil, naghahabulan na sila sa paglobo ni Angel na tanda lang ng kaligayahan nila sa isa’t isa.

Ganu’n ang kapaniwalaan natin, kapag namamayat ang sinuman sa magkarelasyon ay ipinapalagay nating problemado sila, at kapag naman lumulusog sila ay naniniwala tayong napakaganda ng kanilang pagsasama.

Magaling mag-alaga ng karelasyon si Angel Locsin, ‘yun ang patunay sa pag­lobo rin ng katawan ni Neil Arce, maliga­yang-maligaya sila sa kanilang relasyon.

Katawan nila ‘yun, alam nila kung ano ang makasasama sa kanilang kalusugan, kaya ipa­ubaya na natin sa kanila ang sitwasyon.

Kasal nina ara at Dave,P10k per plate

Sa April 28 na ang pagpapakasal ni Ara Mina sa negosyanteng si Dave Alamarinez. Gaganapin ang kanilang garden wedding sa isang pabolosong lugar sa Baguio City, sa dinadayong Highlands, tatlong araw bago ang kasalan ay nasa Baguio na sina Dave at Ara.

Ayon sa aming source, “Alam nila ang mga health protocols, bawal ang pagtitipon nang maramihan, dahil sa social distancing.

“Pero maraming business associates si Dave, malaki rin ang pamilya ni Ara, kaya hindi maiiwasang marami ring pupunta sa kasal nila.

“At ang catering, napakabongga! Ten thousand per plate ‘yun, di ba naman fabulous ang kasal nila?” unang kuwento ng aming kausap.

Pero ikakasal na lang sina Dave at Ara ay minumulto pa rin sila ng nakaraan dahil sa isang babaeng siguradong malulungkot-iiyak sa pag­harap nila sa altar.

‘Yun ang babaeng pakakasalan na sana ni Dave, pero kapangangak lang nito ay isang mala­king pasabog ang kanyang natuklasan, magkaibigan sila ni Ara Mina pero karelasyon na pala niya ang ama ng anak ng babae.

Sabi ng aming source, “Kaibigan niya si Rhina, pero nawindang na lang ang girl, karelasyon na pala ni Ara si Dave. Sinulot siya ni Ara.”

Maligalig talaga ang lovelife ni Ara Mina, maraming sub-plot, pero siguradong masayang-masaya na siya ngayon sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Dave Alamarinez.

At may karapatan namang lumigaya si Ara Mina.

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with