^

PSN Showbiz

Tala: The film concert ni Sarah sa Araneta pa nag-taping

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tala: The film concert ni Sarah sa Araneta pa nag-taping
Sarah

MANILA, Philippines — Isang espesyal na online concert ang handog ni Sarah Geronimo sa kanyang fans sa buong mundo dahil mapapanood na ang Tala: The Film Concert sa digital platforms na KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa Marso 27 ng 8 PM.

Sunud-sunod na pasabog ang inihanda ng nag-iisang Popstar Royalty para sa worldwide premiere ng kanyang concert dahil may makakasama siyang surprise guest sa dalawang numbers.

Magtatagal din ng dalawang oras ang event kung saan 18 na awitin ang ipe-perform niya, kabilang na ang mga bago at kakaibang bersyon niya ng hits na Kilometro, Ikot-ikot, at Isa Pang Araw. 

Since yesterday naman, mabibili na ng fans sa KTX.PH ang regular tickets sa halagang P1,500. Available din ang VVIP tickets sa halagang P3,000, na may kalakip na kwentuhan session kasama si Sarah sa pamamagitan ng Zoom.

Mabibili naman ng iWantTFC users sa Pilipinas ang regular tickets (P1,500) sa iwanttfc.com at Android app. Para naman sa fans sa labas ng Pilipinas, available na rin ang tickets na nagkakahalaga ng USD29.99 sa iWantTFC at TFC IPTV.

Ang Tala: The Film Concert ay ipinrodyus ng Viva Entertainment. Ginanap ang taping nito sa Araneta Coliseum noong Disyembre at idinirek ito ni Paul Basinillo, kasama sina Louie Ocampo bilang musical director at Georcelle Dapat-Sy bilang creative director.

 

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with