^

PSN Showbiz

Tala ni Sarah, magdadalawang taon na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Tala ni Sarah, magdadalawang taon na
Sarah

Aba magdadalawang taon na ang Tala, na hindi naman agad sumikat. Sumipa lang nang husto ang popularidad ng kanta nang sayawin iyan ng isang bading na fan ni Sarah Geronimo sa internet na naging katatawanan at nag-viral, tapos mas napansin na nga ang music video ni Sarah ng kanta at sumikat iyon. Kung hindi nga lang siguro inabot ng lockdown dahil sa pandemic, mas nakapasok pa iyon sa tv at mas sumikat pa ang kanta.

Pero may panahong lahat halos ng mga kabataan ay kinakanta at  sinasayaw ang Tala, na para bang hindi ka “in” kung hindi mo alam iyon. Pero mahigit nang isang taon iyon. Siguro nga masasabing kumita na iyan. Bakit hindi pa nila nasundan ng iba pang kanta na maaaring maging malaking hit din?

O baka naman duda sila na makakagawa nga ng isang hit si Sarah dahil pandemic nga.

May nagsasabi pang siguro hindi nila agad nasugalan si Sarah dahil pinakiramdaman pa nila kung ano ang magiging epekto ng kanyang kontrobersiyal na pagpapakasal kay Matteo Guidicelli. Bagama’t tanggap ng publiko ang kanilang relasyon, iba ang dating ng bigla nilang pagpapakasal. Sa aminin man nila o hindi, nabawasan nang kaunti ang popularidad ni Sarah.

Pero ngayon, makalipas ang ilang panahon, iyon pa bang Tala ang gagamitin nila? Lumipas na rin kasi ang popularidad noong kanta at ang makikita mo ngayong isinasayaw nila iyong “pararampampam” na. Napakawalang kuwentang kanta noon pero uso eh, at natakpan na nga ang lumang kanta ni Sarah.

Hindi ba mas tama na sana ay gumawa muna sila ng bagong kanta, gawin iyong hit, at saka nila pinag-concert si Sarah? Eh para siyang nag-concert na wala namang ibinebenta kundi lumang kanta.

Sayang naman. Ito sana ang pagkakataong patunayan ni Sarah na siya pa rin ang number one. Medyo tagilid kasi ang estado niya ngayon, alam naman ninyo, off the air ang home network ni Sarah. Kung wala ang back up ng ABS-CBN, medyo tagilid din siya.

Sana naman ay maging maganda pa rin ang resulta ng kanyang concert na gagawin on film pero palabas sa internet.

EB, kinakapos na sa bagong gimik

Pupunahin naming bagsak na bagsak ang content ng Eat Bulaga. Maliban doon sa Bawal Judgmental wala ka nang ibang mapanood eh. Hindi kagaya noong araw na maraming iba-ibang games, may mga kumakanta, may sumasayaw. Noon kasi talagang musical variety iyan, ngayon isang contest na lang.

Naiintindihan namin kung bakit ganoon, kasi kailangang limitado lamang ang mga taong pinapapasok sa kanilang studio. Maging ang mga host nilang sina Vic Sotto at Joey de Leon, naka-internet na lang mula sa mga bahay nila dahil sa lockdown sa mga senior citizen. Kaya iyong content, talagang wala na.

Nananatili silang number one dahil ang kanilang istasyon lamang ang nagbo-broadcast ngayon ng 150 kilowatts. Mahihinang istasyon ang mga kalaban nila. Iyong isa nga on the air pero hindi halos masagap ng free tv at mapapanood mo lang din sa cable o sa internet kaya wala rin.

Suwerte lang ang Eat Bulaga ngayon dahil nasa malakas na istasyon sila, pero kung ang pag-uusapan ay content, wala na halos laman ang show nila.

Kung magiging MGCQ na nga siguro sa susunod na buwan, at aalisin na ang lockdown sa mga senior citizen, maaari nang pabalikin agad sina Vic at Joey para magkaalaman naman ang programa. Alam naman natin na maraming mga gimmick na nag-click ang show na iyan na galing sa ideya nina Vic at Joey.

Watering hole sa QC, ginagawang pick-up point ng mga male model

May nasagap kaming tsismis na may isa raw watering hole ngayon sa Quezon City na istambayan ng mga jobless ding male model. Umalis na sila sa istambayan sa Makati dahil natatalo na rin sila ng mga jobless ding mga male star na mas bagets kaysa sa kanila na nakaka-agaw ng mga dati nilang “friends”.

Basta ang gimmick, tatambay lang sila sa watering hole, dadaan namang naka-kotse ang kanilang “friends”, ite-text sila at lalabas na lang sila, sasakay sa kotse at hahanap na ng mas “private” place. Alam na ninyo kung ano ang negosyo nila.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with