Joshua ayaw na talagang tumira sa bahay ng kanyang Mommy Kris
Sa Tarlac na talaga gustong tumira ng eldest ni Kris Aquino na si Joshua.
Pero kahapon ay nag-reunion sila at may chikahan video pero talagang sinasabi ni Joshua na aalis na siya at babalik na sa Tarlac.
Sabi nga ni Kris, nag-create na si Joshua ng sarili niyang buhay.
At gumawa na raw ito ng sariling schedule.
Naggo-golf pala ito roon at fresh air daw kasi sabi ni Joshua kaya gusto niya sa Tarlac.
Ayaw din nitong sumama kila Kris na tumira sa beach front.
Last December 26 pa raw sila last time na nagkita-kita at aminado si Kris na mahirap labanan ang memories ni lola Cory Aquino ni Joshua na nandun nga sa Tarlac.
- Latest