^

PSN Showbiz

Kanta ni James nadadala lang daw sa kaguwapuhan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kanta ni James nadadala lang daw sa kaguwapuhan
James
STAR/ File

Nasa pang-apat na araw na ang music video ni James Reid sa Wish 107.5 Bus  kung saan kinanta niya ang bagong single niyang Soda.

Mahigit 250K views na ito, halos 2K ang likes at may mahigit 300 dislikes. Pero pawang magaganda ang feedback sa music video na iyon ni James.

Maganda ang kanta na siya rin yata ang nagsulat. Maganda rin ang boses ni James na pang-millennial, kaya puring-puri ito ng netizens at kinukumpara pa ng ilan ang boses nito kay Michael Jackson.

Pero para sa akin, parang ang OA naman nung Michael Jackson. May sariling style naman si James na maganda namang pakinggan.

Sinasabi rin ng iba na underrated ang singer/actor, dahil nadadala lang daw talaga ng kaguwapuhan niya.

Sana nga mabigyan ng chance si James at mapasikat niya ang mga kanta niya.

Kung nasa Viva pa rin siya, sa tingin ko mas mabibigyan siya ng magandang promo at mapasikat talaga ito nang bonggang-bongga.

Samantala, nakakapanghinayang din na tila nauudlot na ang career ni Nadine Lustre dahil sa problema nito sa Viva Artist Agency.

May mga ilang offer sa kanya na mahirap ma-materialize dahil sa kaso sa Viva.

Kagaya ng ilang endorsement, dumidiretso na sila kay Nadine o sa handler nito, pero kailangan pa ring idaan sa Viva.

Sa pagkakaalam ko, ang legal counsel nitong si Atty. Lorna Kapunan ang nag-aayos nito lahat para hindi na lang lumaki pa ang problema. Ongoing pa ang kaso ni Nadine at dinidinig na ito ngayon.

Katatapos lang daw ng cross examination sa dalawang witness na ipinadala ng Viva Artist Agency. Sa susunod na buwan ay si Nadine na raw ang isasalang sa witness stand.

Sana magkaayos na lang kung dadaan pa ito sa mediation.

MGCQ inaabangan para mabuksan ang mga sinehan

Pagkatapos ng Film Ambassador’s Night na gagawin ng FDCP sa February

28, papasok na ang buwan ng Marso at maaaring maging MGCQ na ang buong bansa, particular na sa Metro Manila.

Kapag nasa MGCQ na tayo, inaasahang magbubukas na ang mga sinehan at sana nga babalik na ang interes ng mga tao sa panonood ng sine.

Isa sa tumutulong sa pagkampanya na manood sa mga sinehan ay ang FDCP na pinangu­ngunahan ni Chair Liza Diño-Seguerra. Last year pa pala ay meron na silang campaign na Nood Tayo Ng Sine, pero naudlot ito nang magsimula na ang quarantine at pumasok na ang pandemya.

Sabi ni Chair Liza nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi, “This is a social campaign na hindi lang nag-i-encourage para sa mga moviegoer natin na manood ng sine pa rin kasi sobrang nasasanay na tayo ngayon sa streaming platform. So we have to create a social campaign para maipaalala sa ating mga manonood kung ano ba ‘yung kaibahan ng panonood ng sine.”

May ilang filmmakers na silang nakapanayam kung ano ang magandang experience ng panonood sa sinehan. Pero sa ngayon bilang nasa pandemya pa tayo, kailangan talagang maipatupad ang safety protocols and guidelines na inaprubahan ng IATF.

Nandiyan lang daw ang suporta ng FDCP, pero trabaho ito ng DTI na silang magtsi-check kung sinusunod ng mga sinehan ang safety protocols and guidelines.

“Ang DTI ang magli-lead dito. Meron silang gagawing program na kung saan i-inspect nila ang mga cinema at sisiguraduhin nila kung sumusunod sa protocols ang …hindi lang ang moviegoers kundi ang mga cinema operators mismo.

“Ang in charge sila ay masigurado na ang iprinesent na protocols sa IATF at inaprubahan ng IATF ay talagang susundin ng ating mga cinema operators. Parang ‘yung ginawa ng DOT sa mga hotel na kung saan talagang may inspection sila. Wala silang mga certificate pero meron silang criteria para masabi talaga na sumusunod sila sa mga protocol. Napakalaking bagay ‘yun na safe pumunta dito sa mga sinehan na ito,” sabi pa ng FDCP Chairperson.

Ang isa pa raw sanang ipu-push nila kung magbubukas na ang mga sinehan ay ipa-prioritize ang mga local film bago ang Hollywood films.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with