^

PSN Showbiz

Janine, apat ang nakapilang pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Janine, apat ang nakapilang pelikula
Janine

Sa March 12 na ang story conference ng first ABS-CBN teleserye ni Janine Gutierrez under Dreamscape unit kung saan makakapareha niya si Paulo Avelino at co-stars naman nila ang ilang big stars.

By that time, siguradong tapos na ang lock-in shooting ni Janine sa Bicol para sa comedy love story movie nila ng comedian na si Pepe Herrera.

Actually, ngayon ang alis ni Janine pa-Bicol hanggang first week of March siya roon.

Pagbalik, may isang dating project si Janine na dapat gawin, pero one shooting day lang naman ‘yon.

Sobrang busy ngayon ni Janine, kaya may ibang episodes din ng ASAP Natin ‘To na hindi siya mapapanood dahil nasa ibang lock-in project naman siya at nasabay sa taping ng nasabing Sunday musical variety show ng Kapamilya network.

Ang bongga lang ng career ngayon ni Janine dahil bukod sa mga nabanggit, may tatlo pa siyang movies na natapos na rin, una ay ‘yung Ngayon Kaya nila ni Paulo at ang pangalawa naman ay ‘yung with JC Santos titled Dito at Doon, at pangatlo ‘yung The Best Show with Enzo Pineda.

Siyempre, kung maganda ang takbo ng career ni Janine, obvious naman na maganda rin ang lovelife niya dahil going strong pa rin ang relasyon nila ni Rayver Cruz kahit magkahiwalay na sila ng TV network.

Ang maganda lang sa dalawa, walang effect sa kanilang relasyon ang sinasabing TV network war!

Ang bongga!

Miriam, maselan ang pagbubuntis

Kahapon ay ka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Miriam Quiambao-Roberto. “How are you?” tanong ko sa Miss Universe 1999 first runner-up.

“Hello, Kuya Jun. I’m good naman. Busy with kids and work. Thank you!” sagot naman niya.

Bale apat na buwang buntis ngayon si Miriam sa second baby nila ng mister na si Ardy Roberto.

Noong December, in-announce nila sa vlog nila ang tungkol sa pagbubuntis uli ni Miriam.

Almost two years old na ang anak nilang si Elijah.

Bale 45 years old na si Miriam, kaya ingat din siya sa kanyang pagbubuntis uli.

Sabi pa ni Miriam, “Bed rest ako for one month since I learned about the pregnancy kasi may nakitang subchorionic hemorrhage pero magaling na ngayon. Thank God!”

Sa May 20 ay 46 years old na si Miriam, so, ‘yon na ang edad niya kapag nanganak siya sa kanyang second baby.

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with