^

PSN Showbiz

Role ni Leo, relate ang maraming senior citizen

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Role ni Leo, relate ang maraming senior citizen
Lovi
STAR/ File

Marami ang nagandahan sa pilot episode ng romantic-comedy series na Owe My Love na pinalabas nitong Lunes, Pebrero 15. Bida rito sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Bukod sa saya at kilig, may mga matindi rin itong eksena. Isa nga sa mga tumatak sa first episode nito ay ang madamdaming eksena nina Doc Migs (Benjamin) at kanyang Lolo Badong (Leo Martinez). Si Lolo Badong ay may sakit na dementia at hindi na niya nakikilala ang apong si Migs. May kurot sa damdamin noong hinahanap ni Lolo Badong si Migs kahit na nasa harap lamang niya ito.

“Maganda ang role ko rito dahil it touches on senior citizens. Pinapakita rito (OML) ang mga problema at concerns ng senior citizens – na kailangan pagtuunan natin ng pansin ang mga senior dito sa ating bayan. Mayroon po silang mga pangangailangan at concerns,” naunang pahayag ni Leo sa virtual media conference ng Owe My Love.

Mapapanood ang Owe My Love mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m, sa GMA Telebabad.

Kuya ng actor, ini-appoint ng Malacañang sa ‘di aktibong ahensiya

May government position pala ang kapatid ng isang actor na malapit kay President Duterte at sa ibang trusted nito.

Kaso hindi diumano active ang agency na napuntahan ng brother ng actor na appointee ng Malacañang.

Yup, sa kasalukuyan daw ay walang masyadong ginagawa ang nasabing agency kaya parang hindi ramdam na na-appoint ang kuya ng actor.

Nauna na raw nag-decline na magkaroon ng position sa government ang actor.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with