^

PSN Showbiz

Julia, maraming beses nakuryente sa lie detector challenge

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julia, maraming beses nakuryente sa lie detector challenge
Julia Montes
STAR/ File

Tuwang-tuwa ang fans ni Julia Montes na nag-guest sa YouTube channel ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee.

Ipinaliwanag nilang matagal nang close friend ng mag-asawang Boyet at Dimples si Julia at nakikita namang komportable si Julia kay Boyet. Naririnig din sa background ang boses ni Dimples.

Sa Valentine episode na iyon ng YT channel ni Boyet Ahmee, naglaro sila ng lie detector challenge na maga-ground ka kapag tingin ng laruang ito na nagla-lie ka sa sagot  mo.

Nauna munang isinalang si Boyet at si Julia ang nagtatanong. Napag-usapan ang tungkol sa trabaho ni Dimples bilang aktres na kung may pinagseselosan ba si Boyet sa mga naka-partner ng asawa niya. Nalagpasan naman nila ito na may ilang tanong na nakuryente si Boyet, pero sinasabi nga nilang laruan lang naman daw iyon.

Pagdating kay Julia, sumabit siya sa lahat na mga tanong na tumutukoy kay Coco Martin ang sagot. Unang tanong sa kanya ni Boyet ay kung alin ang type niya, naka-sando o naka-leather jacket.

Naka-leather jacket ang sagot ni Julia, pero nakuryente ito na tila lumalabas na nag-lie siya sa kanyang sagot. “Yari ako!” bulalas ni Julia. Kay Coco kaya siya mayayari?

Tinanong siya uli kung alin ang type niya, mestizo o moreno. Moreno ang pinili pero, nag-lie na naman ang lumabas.

Parang gusto nang sirain ni Julia ang lie detector test na lagi siyang sumasabit.

Next question was ‘matangkad o sakto lang,’ na sakto lang ang sinagot ni Julia, pero nakuryente na naman siya. Pati sa tanong na Inglesero o makata, na makata ang sinagot niya, nag-lie na naman ang resulta sa lie detector test. “Uuwi ako ng luhaan sa sakit nito ha?” sabi niya.

At ang huling tanong kung “manila boy o probinsyano, natatawa na si Julia na sinagot ang “probinsyano.” Nakuryente na naman siya uli.

Sumabit si Julia sa mga sagot niya sa lie detector test na lahat naman ng sagot niya ay tumutukoy kay Coco.

Pero sabi nga nila, laruan lang iyon at huwag daw maniwala sa laruang iyon. “Kung ayaw n’yong masira ang relasyon ninyo,” singit pa ni Julia.

Noong Valentine’s Day ito in-upload at naka-52K views ito as of yesterday.

Ruffa, hindi pa kayang makipagrelasyon agad

Aligaga naman si Ruffa Gutierrez sa paghahakot ng gamit noong nakaraang Valentine’s Day sa kanilang bagong bahay.

Ibang-iba ang araw na ito para sa kanya ngayong single na siya. Pero okay lang daw dahil mas naka-focus daw siya ngayon sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Dito na nga raw muna si Lorin at hindi na itinuloy ang pag-aaral sa Amerika dahil online pa rin pala kahit nasa US ka nag-aaral. Hindi naman daw ito ma-experience ni Lorin kaya dito na lang muna sa Pilipinas at papasukin na rin nga nito ang pag-aartista.

Ngayong single na siya at okay naman daw para sa kanya, mas makapag-focus daw siya sa kanyang pamilya. “I need space and time to focus on my family,” pakli ni Ruffa.

Kaya hindi naman daw siya naghahanap ng bagong karelasyon. “I just need time to be alone now. That’s why imposible akong mag-jump into another relationship so quickly,” dagdag niyang pahayag.

Pero bukas naman daw siya sa bagong relasyon kung sakali, pero mukhang si Yilmaz Bektas pa rin talaga ang tinutukoy niyang ka-ex na posible niyang makabalikan dahil malalim ang relasyon nila lalo na’t may dalawa silang anak.

“The doors are not close. Only time will tell if it’s meant to be.  Kasi ‘pag ex mo or ‘pag dati mo nang kakilala, comfortable ka na with those people eh.

“But you also have to take why it didn’t work. So, depende kung sino yung ex na ‘yun. But for me ‘pag parang…go forward na ‘pag ‘di na makakaya,” sabi pa ni Ruffa sa nakaraang virtual tsikahan niya sa mga kaibigan niyang movie press.

Marami lang daw ngayong ipagpasalamat si Ruffa dahil maganda ang takbo ng career niya.

Pagkatapos ng Stay in Love, may malaking project siyang isang teleserye na baka sa April magsisimula.

Pero looking forward daw siya sa second season ng The Hows Arrest of Us na hindi pa rin nalalaglag sa top 10 trending sa Netflix.

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with