^

PSN Showbiz

Alden, pahinga sa EB!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, pahinga sa EB!
Alden
STAR/ File

Tinatanong ng kasama ko sa bahay na si Mel kung bakit wala na raw sa Eat Bulaga si Alden Richards.

Siguro nga naka-lock in na siya kaya hindi na muna lumalabas sa Eat Bulaga. Maganda ‘yung project nila ni Bea Alonzo na isang remake ng Japanese/Korean love story. Bagay na bagay sa kanilang dalawa at ididirek ni Nuel Naval na gumawa ng remake din ng Miracle in Cell No. 7 na si Aga Muhlach ang bida.

Palagay ko, ibang high na naman ang mapi-feel ni Alden dito sa movie, tulad kay Kathryn Bernardo, now si Bea naman, mga taga-kabilang network kaya bago para kay Alden.

Sure na tulad ng Alden/Kathryn noon, tatanggapin ito ng fans ni Alden nang buong puso dahil gusto rin nila na makita na hindi lang taga-GMA ang stars na nakakasama niya, kundi ‘yung mga top star din ng ABS-CBN.

Bongga talaga si Alden, spreading wide ang kanyang wings.

Brightlight, natuto na

Nag-invite para sa lunch si Cris Roque ng Kamiseta Apparel and Skin Clinic, Salve. Gusto niyang magkaroon ng time na magkuwentuhan tayo at pag-usapan ang mga bagay na naririnig niya lang pero wala siyang way na ma-confirm. Gusto niyang malaman kung ayos na ba si Pat-P Daza sa kanyang ‘small’ problems at anxieties, hah hah.

Palagay ko nag-bounce back na uli ang energy ni Pat-P at tapos na ang kanyang initial shock sa mga naganap sa Brightlight Productions. Knowing Papa Albee Benitez as a perfect gentleman, lahat ng questions sa utak ni Pat-P, sure na nasagot na.

Ang dapat lang talaga, kumita na at mag-rate ang mga programa nila, or else inevitable talaga ang cost cutting at revamps.

Imposible talaga na mag-move forward kung heto at patuloy ang losses.

Siyempre, magiging practical ang kumpanya, less shows, less manpower, or mag-price cut para mag-survive.

Meron nang feasible study si Javi Benitez para ma-trim down ang cost, at maaaring ito na ang maging implementing rules later on.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with