^

PSN Showbiz

Career ng aktres, pinakikialaman ng karelasyon

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Tama kaya ang duda ng ibang showbiz insiders na ang boyfriend ng isang kilalang aktres ang “adviser” niya ngayon sa kanyang showbiz career.

Malaking influence raw si boyfriend sa mga desisyon ngayon ng aktres.

Pati ‘yung paglipat ni aktres sa ibang TV network at nauwi sa wala naman, sinasabing may kinalaman daw ang boyfriend.

Pero, sa totoo lang, sa pagkaka­kilala ko naman sa boyfriend ni aktres, hindi naman ito pakialamerong tao.

Well…

Vin at Aljur, pareho ang kapalaran

Sa totoo lang, Ateng Salve, hindi surpri­sing ‘yung pag-amin nina Sophie Albert at Vin Abrenica na magkaka-baby na sila dahil last year pa naman ay marami na ang nakakaalam na buntis nga ang Kapuso star.

Actually, ang kampo nga ni Vin, hindi nagde-deny kapag tinatanong tungkol sa bagay na ‘yon at ang sinasabi lang nila that time, ipinauubaya na nila sa kapatid ni Aljur Abrenica kung kailan ito aamin.

Pero marami na rin namang blind items noon pa man ang naglalabasan na bigay na bigay ang identities sina Sophie at Vin.

Ang pinakamatinding clue nga noon, pareho raw ang kapalaran ng hunk actor sa naging kapalaran ng kuya niyang hunk actor din, na nabuntis din ang karelasyon nitong aktres.

Anyway, mauuwi naman tiyak sa kasalan ang relasyong Sophie-Vin, kaya nice na rin.

Sabi nga ng mga malalapit sa mag-fiancé, sobrang mahal nila ang isa’t isa at kahit hindi raw nabuntis ni Vin si Sophie ay tiyak na raw na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Serye nina Jerome at Jane,  inaabangan kung kakapitan ng audience

Sa March 7 na pala ang pilot telecast sa TV5 ng Gen Z na produced ng Regal Entertainment, Inc.

Bale line-produced ‘yon ng kumpanya ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde for CignalTV.

Weekly youth-oriented series ‘yon na sina Jerome Ponce at Jane Oineza ang pinakabida at primetime, 9:00 p.m. ‘yon mapapanood.

Natapos na ang taping ng season one ng Gen Z at sa ngayon, hihintayin pa raw ang feedback ng viewers at malalaman kung may season two sila.

Ang bongga rin ng TV5, ang daming new shows. Mas bongga nga lang sana kung magtatagal ang shows nila at mas mapo-promote, huh!

In fairness kasi sa TV5, magaganda ang shows nila, pero sana, kapitan ng viewers! ‘Yun na!

vuukle comment

VIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with