^

PSN Showbiz

Paubaya ni Moira, swak sa kapalaran ng Joshlia

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

“Dali panoorin mo iyong music video ni Moira dela Torre, kaka-upload lang,” pamimilit ng isang kakilala namin, at ano nga ba ang significance noon noong araw na iyon mismo ng Valentine’s day.

Simple lang naman ang music video sa simula, tungkol iyon sa dala­wang taong nagkaroon ng attraction sa isa’t isa, nagkagustuhan at umabot sa engagement. Tapos ang sumunod ay nasa simbahan na sila, at mukhang ikakasal na, pero hindi pala dahil biglang tumakbo papalayo ang babae. Ang excuse niya sa lalaki, “napagod na ako”.

Drama ang paghihiwalay nila, sinabi ng lalaki na hangad niyang lumigaya ang babae sa kung sino man ang bagong natagpuan noon. “Pinapatawad, pinapalaya at ipinauubaya na kita sa kanya,” sabi pa ng lalaki.

Iyong babae naman panay ang sabi ng “I’m sorry”.

Music video iyon ng kanta ni Moira na ang title ay Paubaya, at siguro nga karaniwang video lamang iyon pero nagkataong ang lumabas sa music video ay sina Joshua Garcia at Julia Barretto. “Hindi ba true to life”, sabi ng isang kaibigan namin.

Aywan pero wala namang claims na “based on a true story”. Wala rin namang claims na “ito ay kathang isip lamang at ano mang pagkakatulad sa buhay ng mga tao buhay man o patay ay hindi sinasadya”.

Siyempre sinasabi nila na apektado ang mga natitira pang Joshlia fans, lalo na’t inilabas pa naman iyon ng Valentine’s day, pero hanggang ngayon ba naman, mahigit nang isang taon iyan, hindi pa nila natatanggap ang katotohanan?

Wala na talaga ang Joshua at Julia, at palagay namin hindi na magkakabalikan iyan.

Better off na nga sila nang hiwalay na. Baka hindi bagay ang loveteam nila. Nakita ninyo, parang mas tumaas pa ang popularidad ni Joshua nang wala na siyang ka-loveteam, at saka hindi na uso iyang loveteam ngayon. Kung magagawa namang pasikatin ang isang talent bilang solo star, bakit kaila­ngan pa ng loveteam?

May nagsasabi ngang sayang dahil wala na si Mr.M sa Star Magic dahil kung naroroon pa siya, sigurado ang mas matinding stardom ni Joshua. Pero ano rin ang malay ninyo?

Iyang pagsikat ng isang artista talagang suwerte-suwerte iyan. Walang exact formula. Kung mayroon eh di sana lahat napasikat nila.

Cong. Vi and Sen. Ralph, matamis ang Valentine

Day after Valentine’s, naglabasan naman ang very romantic pictures nina Congresswoman Vi at Senator Ralph. Iyong one moment na magkasama sila at nagre-relax lang, walang iniintinding trabaho. Hindi naman sinabing Valentine’s date nila iyon, kung sabihin nga ni Ate Vi, celebration of love ‘yun, hindi lang naman Valentine’s day iyan kundi araw-araw, sa tuwing may pagkakataon.

“Kagaya namin na maraming trabaho, at hindi namin hawak talaga ang aming schedule. Minsan ang alam namin wala kaming gagawin, tapos biglang nagkaroon ng problema, hindi sa aming pamilya kung di sa Batangas, di susugod din kami kahit na anong oras. Kaya iyang mga celebration na ganyan, wala talagang araw iyan. Any moment na may panahon dapat ibigay ninyo ang pagkakataon sa isa’t isa.

“Take advantage of the time, dahil hindi mo nga rin masasabi kung kailan ka ulit may panahon,” sabi ni Ate Vi, at tama naman siguro siya.

Isipin ninyo, 37 years na ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ok pa rin sila.

Iyang mga ganyan ang alam mong forever na.

Female star, pinagpalit ng karelasyon sa bading nung araw ng mga puso

Lonely naman daw ang isang female star na “nagpaganda pa naman lately”. Kasi hindi raw siya idinate ng kanyang boyfriend na tulog lang maghapon noong Valentine’s day. Kami alam namin kung bakit. Kasi noong Valentine’s eve, nakita namin ang boyfriend niya na ka-date ng isang bading na doctor sa isang five star hotel. Nagkita sila sa coffee shop at aywan kung saan na tumuloy. Hindi kasama ni doc ang kanyang misis, silang dalawa lang ng male star na hinihintay ng kanyang girlfriend.

Pero kung malaman man niya, makaka-angal kaya ang female star eh samantalang si doc din ang nagpapaganda sa kanya?

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with