^

PSN Showbiz

Joshua at Julia nag-iyakan, nag-sorry sa isa’t isa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Julia nag-iyakan, nag-sorry sa isa�t isa
Julia at Joshua

Ang daming pasabog sa You Tube nung nakaraang Valentine’s Day!

Kasama na ang launching ng mga bagong single ng mga kilalang singers.

Isa nga sa nasilip ko ay ang music video ng Visayan song na Usahay na this time ay kinanta ni Jake Zyrus. Ang ganda ng version ni Jake na binago ang areglo.

Ang nakakagulat lang, ibang-iba na talaga ang boses niya. Lalaking-lalaki na at pati sa kilos ay binatang-binata.

Parang nanibago pa rin ako at siguro hindi pa handa sa laki nang ipinagbago ni Jake mula sa da­ting hinangaan kong si Charice Pempengco.

Nung araw ding iyun ay ini-release na rin ang music video ng The Clash finalist na si Garrett Bolden na Our Love Ang ganda talaga ng timbre ng boses ni Garrett at okay naman ang video na madrama ang kuwento.

Hindi ko naman nasilip ang music video ni Jayda, pero may naririnig naman akong magagandang feedback.

Pero ang talagang kinabog ng lahat ay ang music video ni Moira dela Torre na Paubaya na bida sina Joshua Garcia at Julia Barretto na binuo ng mag-asawang Moira at Jason Hernandez.

Pagkatapos itong i-upload ni Moira kaagad itong dinagsa ng milyun-milyong views.

Sa loob ng 17 hours ay umabot na ito ng 4.7M views. May 482 thousand na nag-like at mahigit dalawang libo ang nag-dislike.

Pero talagang pinag-usapan ito sa social media at hindi alam ng mga JoshLia fans kung ano ang gagawin nila sa madramang tagpo sa naturang video.

Doon ay nagpahayag ang dating magkasintahan ng kanilang paghingi ng sorry, nagkapatawaran, nagpasalamat at nagpaalam.

Nakakaiyak ang ilang eksena lalo na nang humingi sila ng sorry sa isa’t-isa.

Gumagaralgal ang boses ni Julia na umiiyak na humihingi ng paumanhin kay Joshua.

 “I’m sorry, I’m sorry Josh, I’m sorry, napagod ako. I’m sorry, nawaala ako. Natakot ako, kasi, hindi kita mahanap noon. Binigay ko lahat. Binigay ko sa ‘yo lahat, naubos lang ako. I’m sorry, nasaktan kita.”

Isang paghingi rin ng patawad ang sagot ni Joshua kay Julia.

Aniya; “Sorry. Sorry, kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry, kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.

 “Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko, nandun ako. Gusto ko, nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala. Siguro, dahil alam ko na rin na…na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Umaagos na ang luha nila at nagpahayag din sila nang pasasalamat at ang sumunod ay sinabi ni Joshua kay Julia na pinapatawad na niya ito. Ganundin si Julia nagbigay ng mensaheng pinapatawad na rin ang dati niyang ka-loveteam.

Kaya talagang bumaha ang mga mensahe ng mga JoshLia fans na hindi raw sila makatulog sa napanood nila. Hindi pa rin daw sila nakapag-move on sa relasyon ng magka-loveteam.  

Ang buong music video na iyun ni Moira ay tila closure na rin ng kung ano ang namagitan kina Joshua at Julia.

Ramdam mo namang galing sa puso nila ang lahat na mga sinasabi nila.

Nung araw din ng mga puso ay in-upload sa You Tube channel ni Kathryn Bernardo na Everyday Kath ang interview niya kay Daniel Padilla.  

Pinamagatan niyang Questions I’ve Never Asked My Boyfriend. May 15 questions siyang hindi pa raw niya natatanong kay Daniel na pinasagot na niya sa kanyang YT channel.

Sa loob ng 16 hours, may 1.3M views na ito, at may 157 thousand likes at 876 na dislikes.

Talbog pa rin talaga ang kina Joshua at Julia.

Last Valentine’s Day din in-upload ni Vin Abre­nica sa kanyang You Tube channel ang proposal niya kay Sophie Albert at doon na rin nila inihayag ang pagbubuntis ng aktres.

Maganda naman ang ginawang video ni Vin, pero hindi naman gaanong na-highlight ang proposal na ang layo ng kuha at hindi naman naririnig ang sinasabi nila sa isa’t isa.

Halos kasabay din ito nang pag-upload ng JoshLia pero hindi pa ito umabot ng isang milyong views.

Kuwela rin ang in-upload ni Alex Gonzaga sa kanyang YT channel nung nakaraang Sabado.

Our Wedding BTS ang title nito na kung saan ipinakita niya ang preparasyon nung araw ng kasal nila ni Mikee Morada.

Nakakatawa naman kasi talaga si Alex kaya hindi nakakabagot panoorin.

As of yesterday, halos 2M views na ito, may 150 thousand likes at 744 dislikes.

Dala na rin ng pandemya, sa kani-kanilang You Tube channel na lang ng mga artista nakakakuha ng updates at activities nila sa mga espesyal na araw kagaya nitong nakaraang Valentine’s Day.

Andre at Sef, hindi nahirapan sa game...

Nasilip namin ang pilot episode ng Game of the Gens sa GMA News TV nung nakaraang Linggo ng gabi.

Ang simple lang naman ng game at madaling intindihin ang mechanics.

Malaking bagay na magaling ang host at talagang nakikitang magkasundo sina Andre at Sef.

Nakakatuwa sila na hindi halatang first time pa lang nilang mag-host ng isang game show.

Malaking bagay daw na original itong Game of the Gens na hindi franchise ng isang imported na show. Kaya kampante silang walang comparison.

“Interesting ‘yung knowledge na sabi nga ni Sef kahit nasa digital age, kahit we’re always on our phones you have to admit, may mga things na to­pics na we don’t research about. This is the perfect show to learn more and also have fun at the same time,” sabi ni Andre.

 

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with