^

PSN Showbiz

Gardo, trademark na sa TikTok

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gardo, trademark na sa TikTok
Gardo
STAR/ File

Siguro nga ang daming followers ni Gardo Versoza sa TikTok. Kasi kahit saan ako magpunta, basta TikTok pinag-usapan, si Gardo ang binabanggit. Wala naman akong naririnig na ibang artista na sinasabi nila except Gardo na para bang siya lang ang natandaan nila na nagti-TikTok.

Natuwa nga ako noon nang malaman ko na tulad ni Tirso Cruz III na ang asawang si Lyn Cruz ang manager, si Gardo na asawa ring si Ivy ang nagma-manage sa kanya. Sino pa ba ang mas mag-aalaga sa iyo nang buong puso kundi ang mismong asawa mo ‘di bah?

Kaya lucky din kay Gardo ang asawang si Ivy tulad ni Lyn kay Tirso, halos wala silang pahinga sa trabaho, pagkatapos ng isang project heto na naman ang bago, tuluy-tuloy.

Mga sinehan, hindi dapat biglain

Dapat lang talaga na huwag pang payagan pagbubukas ng mga sinehan. Closed-place ang movie houses at hindi safe dahil nga ‘di ba isa sa bawal at mabilis ang pagkalat ng virus ay ‘pag sarado ang lugar?

Imagine mo na sa loob ng dalawang oras nasa loob ka ng sinehan, kahit pa nga konti lang ang tao tiyak na sa loob ay umiikot kasama ng hangin ‘yung mga virus, at masasa­yang ang mga araw na tiniis natin para hindi kumalat ang COVID-19.

Unti-untiin ang pagluluwag ng protocols, huwag nating biglain, masyadong dangerous ang kalaban, hindi natin alam na nasa tabi lang natin. Meron pang TV at gadgets, hindi pa ganun ka-essential ang sinehan, tama na muna ang groceries at supermarket, ‘yung mall, pero sinehan, sobra pang malaki ang danger na maibibigay nito.

Hintayin natin, andiyan na ‘yung vaccines, ginagawa na ang lahat, konting panahon na lang. Ok pa naman ang TV at gadgets, iyon muna, huwag muna sine. No to opening of movie houses, please!

Rei tan, mahal ang mga taga-showbiz

Para talagang sobra ang PR ni Rhea Tan ng Beautederm. Kalokah na may pa-Valentine gift pack siya para sa showbiz press na talagang on time dumating para sa special day of hearts. Kaya naman hindi kataka-taka na sa sandaling panahon naging BFF siya at Darling ng Press, kasi nga ay talaga naman ipinakita niya ang pagmamahal sa mga taga-showbiz sa lahat ng panahon.

Hindi rin nakapagtataka na ituring siyang godmother ng mga natulungan niya dahil nga madali siyang lapitan at bukas ang puso nila ng asawang si Sam Tan sa pagtulong.

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with