^

PSN Showbiz

Ibang bida ng Voltes V, hindi pa kilala

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ibang bida ng Voltes V, hindi pa kilala

Naaliw ako, Ateng Salve, sa tsikahan ng dalawang friends ko.

Sabi kasi ng friend #1 ko, bakit hindi raw major stars ng GMA 7 ang mga kinuha para magbida sa Voltes V: Legacy?

Si Miguel Tanfelix lang daw kasi ang kilala niya na gaganap na Steve Armstrong.

Hindi kilala ng friend #1 ko sina Radson Flores (gaganap na Mark Gordon), Matt Lozano (gaganap na Big Bert Armstrong), Raphael Landicho (gaganap na Little Jon Armstrong) at Ysabel Ortega (gaganap na Jamie Robinson).

Depensa naman ng friend #2 ko, hindi raw porke “the who” pa ang ibang mga magbibida sa Voltes V: Legacy ay minus factor na ‘yon sa upcoming live-action television series ng Kapuso network.

“Saka for sure, once na ipalabas na ang Voltes V Legacy, sisikat na silang lahat. Ngayon pa lang marami na ang nag-aabang sa show, kaya magiging major stars na silang lahat!” sey ng friend # 2 ko.

Well, sa lima, bukod kay Miguel, kilala ko rin si Ysabel at mukhang magiging big star naman talaga siya at sa tingin ko, tama ang friend #2 ko na ang Voltes V: Legacy ang magpapasikat talaga sa kanilang lahat, huh!

Agree ka ba, Ateng Salve?!

Anyway, kasama rin sa cast ng Voltes V Legacy si Martin del Rosario na main villain na si Prince Zardoz.

Sa tingin ko, sobrang excited si Martin sa role niyang ‘yon dahil very challenging ‘yon dahil sa istorya nga, half-brother pala siya ng Armstrong brothers, so, for sure, mas bobongga pa ang career niya dahil sa Voltes V: Legacy, ‘noh?!

Annabelle, nagpalayas ng multo sa bahay noong V-day

Kahapon, naki-Valentine’s day late lunch ako sa White Plains house nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Pina-bless kasi uli ni Bisaya ang bahay nila sa priest-friend ko na si Father Baltazar Obico.

Pati ang mga apo niya na naroroon kahapon ay pina-blesss din ni Bisaya.

Sabi ni Bisaya, sabi raw kasi ng isa nilang kasambahay, may nararamdaman itong kakaiba sa bandang kusina, eh, very religious ang Gutierrez matriarch, kaya pinabasbasan niya kaagad ang bahay nila para lumayas ang nagpaparamdam na ‘yon.

Naku, Valentine’s day pa naman kahapon, pero talagang nakakatakot ang topic namin. Hahaha!

Naaliw rin ako kay Bisaya dahil bago dumating ang priest, nag-ask siya sa akin kung magbabandana raw siya dahil hindi siya nakapagpakulay ng buhok at kita ang white hairs niya.

Biniro ko nga siya na bawal ang hindi nakapagpakulay ng buhok kung magpapa-bless ng bahay, kaya natawa pati si Richard Gutierrez na narinig ang tanong sa akin ng kanyang nanay.

Anyway, speaking of Richard, sabi sa akin ng misis niyang si Sarah Lahbati, wala na silang date kagabi, pero noong Saturday raw ay nag-dinner date na sila.

Wow, bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with