^

PSN Showbiz

Female personality, subok ang kahusayan sa time management sa tatlong nakarelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagdating sa paghawak ng schedule ay saludo ang aming source sa isang kilalang female personality. Hindi siya naging sakit ng ulo ng direktor kahit kailan, dumarating siya sa tamang oras, kung minsan nga ay mas nauuna pa siya sa generator ng produksiyon.

Kaya kahit hindi naman siya maihihilera sa magagaling nating artista ay mara­ming kumukuha sa kanyang serbisyo, magaan kasing katrabaho ang female personality, hindi siya nagbibigay ng problema sa staff at crew.

Pero bagets pa pala ang female personality na ito ay mahusay na talaga siyang humawak ng schedule. Hindi nga lang ‘yun sa linya ng kanyang trabaho kundi sa pakikipagrelasyon.

Kuwento ng ­aming source, “Ang galing-galing na talaga niyang humawak ng schedule kahit nu’ng bagets pa lang siya. Alam n’yo naman ang girl na ‘yun, kinakaya niyang magka-boyfriend nang sabay-sabay!

“At hindi nagkakaalaman ang mga karelasyon niya, ha? Feeling nila, e, nag-iisa lang sila sa puso ng girl!” napapailing na unang sultada ng aming impormante.

Hanggang sa dumating ang panahon na natuto na siya sa buhay. Mapangarap kasi ang female personality. Gusto niyang maabot agad ang mga inaasinta niyang pangarap.

Patuloy ng aming source, “Meron siyang boyfriend na artista. Meron din siyang boyfriend na non-showbiz. At ito ang pinakamatindi!

“Meron din siyang karelasyong richie-richie na tatay niya na lang ang edad! Pinagsasabay-sabay niya ‘yun! Hindi kasi puwede sa kanya ang puro puso lang! Kailangang pairalin din niya ang utak niya!

“’Yung nagegetlak niyang datung sa karelasyon niyang D.O.M., ‘yun naman ang ginagamit niyang pangregalo sa mga bagets niyang boyfriend!

“Siya lang at ang dati niyang alalay ang nakakaalam ng milagrong ginagawa niya. Kaya niyang makipagkita sa tatlo hanggang apat niyang karelas­yon in one day!

“Nasa tamang paghawak lang ‘yun ng oras, time management lang ang kailangan, kinakaya niya ‘yun nang walang nararamdaman ang lahat ng karelasyon niya na meron silang kasabay!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Dahil sa kanyang mga pangarap, e, ginagawa niya ang lahat-lahat! Buti naman at pagkatapos nang napakahaba niyang biyahe, e, mukhang gagarahe na siya ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie, nagpapagawa ng 7-star hotel sa dagat

Maraming nang-uusisa sa amin, sino raw ba ang naka-date kahapon ni Willie Revillame, sino raw ba ang espesyal na babae sa kanyang buhay ngayon?

Pagdating sa pakikipagrelasyon ng mga taong malapit sa aming buhay ay matalas ang aming pang-amoy. Hindi nila ‘yun itinatago at talagang hindi nila maitatago.

Pero pagdating kay Willie ay matagal na panahon na kaming may sipon. Wala kaming naaamoy. Wala rin kaming nararamdaman. Sa edad niyang sisenta ay mukhang hindi na ganu’n kaaktibo ang buhay-pag-ibig ng aktor-TV host.

Kapag dumarating ang Sabado at Linggo, mga araw ng kanyang pahinga mula sa isang linggong pagtatrabaho, ay magkakasama sila ng kanyang mga anak.

Sabado nang umaga, mula sa Wil Tower, ay lumilipad siya papuntang Tagaytay para bisitahin ang ipinagagawa niyang hotel sa Iruhin.

Du’n siya nanananghalian, pagkatapos ay lilipad na naman sila ng kanyang piloto sa Puerto Galera, ‘yun ngayon ang matinding tinututukan ni Willie.

Isang high-end hotel ang ipinagagawa niya, 7-star hotel ang kategor­ya nito, dahil nasa cove (loob ng dagat) ang gusali na may dalawang helipad.

Du’n siya nagtatagal, Lunes nang umaga na siya lumilipad pabalik sa Manila, dahil matindihan ang pakikipag-meeting niya sa mga arkitekto ng 7-star hotel.

Sabi ni Willie, “Du’n ako excited, nasa cove mismo ang ginagawang hotel nasa dagat, high-end ito. Parang Amanpulo sa Palawan ang ipinagagawa kong hotel.”

Hindi na talaga maabot si Willie Revillame, pataas na nang pataas ang katuparan ng kanyang mga pangarap, hindi naman imposibleng mangyari ‘yun dahil sa sobrang kasipagan niya sa pagtatrabaho.

At palagi kaming naniniwala na maraming nagdarasal para sa kanyang tagumpay. Ang mga kababayan nating binabago niya ang estado ng buhay, ang mga tinatawagan niya araw-araw sa Wowowin-Tutok To Win para bahaginan niya ng ayudang hindi biro ang halaga, siguradong panalangin lang ang maibabalik nila sa kabutihan ng puso ng kanilang idolo.

vuukle comment

WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with