^

PSN Showbiz

MMFF entries, ipapalabas sa mga sinehan?

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF entries, ipapalabas sa mga sinehan?
Bong

Kahit pumayag na ang IATF na magbukas ang mga sinehan simula bukas, February 15 hindi pa rin makakatiyak ang mga producer kung babalik na rin ang interes ng mga tao sa panonood ng sine.

Karamihan ay okay na sa digital at talagang updated na ang pano­nood sa strea­ming platforms tulad ng Netflix, HBO Go, Upstream, Vivamax at KTX.Ph kaya titingnan pa kung lalabas na ba ang karamihan para manood sa mga sinehan.

Sinabi ng Malacañang na 50 percent pa lang ang puwedeng papasukin sa loob ng sinehan ng mga nasa GCQ na lugar.

Ang tanong ngayon, aling local film kaya natin ang mauunang ipalabas sa mga sinehan?

Marami ang nagsa-suggest na sana bigyang daan muna ang mga entries ng nakaraang Metro Manila Film Festival na hindi pa rin nakakabawi sa mahinang kita nito sa digital.

Sana nga ito muna ang uunahin at pakikiramdaman kung handa na ba ang mga taong lumabas sa kanilang mga bahay para manood sa mga sinehan.

Samantala, isa si Sen. Bong Revilla sa natuwa sa inaasahang pagbubukas ng mga sinehan. “That’s good news for the movie industry na mabigyan natin ulit ng sigla ang industry ng pelikulang Pilipino. Iyun naman ang inaabangan natin lahat eh.

“Kasi ang iba nasa telebisyon pa rin, ang iba sa digital, sa Netflix, at least ngayon merong pelikula ulit na makikita. Good news din ‘yan para sa ating mga artista.”

Pero bilang isang producer din, bukas na ba siya sa ideyang mag-produce ng isang malaking pelikula sa ngayon? “Why not?” pakli niya. “Pero siyempre i-timing mo lang. Ang importante ngayon ang vaccine.

“Kasi pag nabuksan na ang sinehan, ang importante pa rin yung safety ng mga tao. Hindi naman puwedeng dikit-dikit ang mga tao sa loob ng sinehan, limited pa rin ang makakapasok eh.

“Basta ang wish na lang natin na maging successful itong opening ng teatro,” dagdag niyang pahayag.

May naudlot na raw siyang gustong gawin nang magsimula ang quarantine, at ngayong back to work na siya at ginawa na niya ang fantasy-action series niya sa GMA 7 na Agimat ng Agila.

Nasilip namin ang unang episode nito at impressive siya at talagang pinagkagastusan nang malaki ng GMA, lalo na sa special effects.

Kinarir din ni direk Rico Gutierrez na mapaganda ito at hindi naman siya sumabit.

Hindi pa raw alam kung kailan ito magsisimula, pero ipinaubaya niya ito sa GMA 7 kung kailan ang tamang timing na airing nito. “Ayoko naman silang madaliin. Mas alam nila ‘yun. Kasi talagang pinapaganda pa nila ang special effects…hindi ganun kadali ‘yun,” sabi pa ni Sen. Bong.

Barbie mapapanood na rin tuwing sunday

Simula ngayong araw ay magiging bahagi na si Barbie Forteza sa All-Out Sundays.

Swak na swak ang bida ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa Valentine’s day party ng AOS.

Kasama ni Barbie si Alden na maghu-host sa Sing-Kilig segment nila na kung saan ang Kilig-a-Babe na si Ms. Manila Alexandra Abdon ay pipili sa dalawang Kiligabols na makaka-duet niya.

Kaabang-abang din ang romantic-comedy sketch na Eternal Flame nina Paolo Contis at Glaiza de Castro na tutugma sa Araw ng mga Puso.

vuukle comment

BONG REVILLA

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with