^

PSN Showbiz

Christopher mas gusto na ang lock-in

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher mas gusto na ang lock-in
Christopher

Gustung-gusto ni Christopher de Leon ang health protocols ngayon na ginagawa sa mga lock-in tapings at shooting. Talaga raw pati oras ng trabaho binabantayan kaya naman may pahinga ang mga artista. Sabi nga niya, naging big help pa sa mga artista ang naganap na lock-in dahil nasa oras ang trabaho at merong enough time for rest. Plus relax daw sila sa lock-in situation.

May nagawa rin advantage ang covid-19 sa showbiz kasi nga nabantayan ang working hours, ang health situation ng mga artista, naghigpit sa mga unnecessary alalay sa set at mga staff na sobra-sobra gaya ng dating kaugalian na may kanya-kanyang make up artist sa set ang bawat artista.

Now natuto na sila na dapat kumilos mag-isa, tulung-tulong sa set, wala na iyon utos nang utos sa utility o alalay nila.

Good job din dahil dapat naman talaga ganun ang kalakaran. Kahit magbalik sa normal, siguro babawasan na rin ang sobrang tao sa set.

At ganun na rin ang set up, shoot, pahinga, shoot uli.

Chinese New Year, hindi na masyadong naramdaman

Parang lahat nasabik sa Chinese New Year ha. Imagine iyon mga lion dance na isang tradisyon at makikita mo everywhere hindi nagpakita ngayon.

Buti na lang at iyon mga decoration sa streets lalo na sa Chinatown inilagay pa rin ng mga kababayan nating Chinese.

Pero ang talagang hinanap ko iyon dating pa-dinner ni Mother Lily Monteverde plus iyon ampao na bini­bigay niya tuwing ganitong panahon.

Nakaka-miss talaga kaya naman bigla para bang bakit ba nawawala si Mother Lily. Kasi nga ang higpit ng bantay sa kanya ng mga anak niya para hindi siya makalabas ng bahay dahil nga senior na.

Hay naku, dalawang malaking okasyon ang para bang nagdaan lang dahil sa pandemic, padating na Mahal na Araw, hirap na naman magpunta sa simbahan.

Naku covid -19 sawa na kami sa iyo puwede ka ng umalis noh, overstaying ka na, grabe kang killjoy, layuan mo na nga kami.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with