^

PSN Showbiz

Mariel dedma pa sa pamamahiya noon kay Ivana?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel dedma pa sa pamamahiya noon kay Ivana?!
Mariel

Wala pang reaction si Mariel Rodriguez na hulang-hula  ng followers ni Ivana Alawi na siya ang tinutukoy sa pa-blind item nito sa vlog tungkol sa isang veteran TV host na sinigaw-sigawan at ipinahiya siya matapos makiupo sa labas ng dressing room nito ang kanyang personal assistant noong nasa Mea Culpa days pa si Ivana.

Sa isa ngang vlog ay sinabi ni Ivana ang kanyang naging karanasan sa nasabing TV host na letter M ang initial. Sagot o Lagot challenge ang nasabing vlog ng Kapamilya star / vlogger.

Ang tanong ay kung may artista ba siyang nakaaway.

At doon na naalala ng Kapamilya star ang masamang karanasan sa ABS-CBN host na pinanonood daw niya noon pang bata siya pero pinagsisigawan daw siya noon. “Sumugod siya. Palagi ko siyang pinapanood noon kaya idol na idol ko siya. Noong nakita ko, parang napangiti ako tapos parang pinagsisigawan niya ako sa dressing room sa harap ng ibang artista. Tapos parang sabi ko, ‘Hala!’ Tapos sabi niya: ‘You! Why is your personal assistant in my room? Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos.’ Ang dami niyang sinabi,” pag-aalala ni Alawi.

Nag-sorry naman daw siya sa nasabing TV host na noon niya pa iniidolo pero parang pakiramdam daw niya ay sobrang ipinahiya siya nito sa harap ng ibang mga artista.

“Ako ‘yung inaway. Then hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako noon tapos tumawag ako kay mama. Ang sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na.’ Kasi wala naman talaga akong mali. Kaya hindi ko maintindihan bakit ako ang pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista.”

Pero sa kabila nun nagpakita pa rin daw siya ng respeto dahil nga maggi-guest siya noon sa It’s Showtime.

At ‘yun nga raw ang hindi niya malilimutan sa experiences niya noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz.

Hindi naman daw kasi siya mahirap kausap at puwede namang kinausap na lang sana siya.

At nang hingan nga siya ng clue sa nasabing vlog, letter M ang binigay niya.

Naalala ng fans noon na nagkuwento ni Vice Ganda on air na may pumasok nga sa dressing room ni Mariel kaya galit na galit ito.

 

 

 

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with