^

PSN Showbiz

Kris, mas bagay tropahin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Valentine’s day ang birthday ni Kris Aquino. Araw ng mga Puso, araw ng pag-ibig at pagmamahalan. Ironic na single siya on her day of hearts, pero baka naman happier siya.

Balitang sumali na si Kris sa dating app kung saan pipiliin siya kung dyowa o tropa, hah hah.

Tulad ng katuwiran ko, lagi na may taong mahal mo pero ayaw mong katrabaho, meron namang hindi mo mahal pero masarap kasama sa trabaho, at lucky you kung ang makuha mo, mahal mo na masarap pang kasama sa trabaho.

Si Kris, kung ako ang tatanungin mo, mas masarap katropa, kesa dyowa. Alam mo ba, kasi ‘pag friends lang kayo, wala ‘yung pressure, responsibi­ lity at ‘yung commitment, eh ‘pag dyowa mo na, iba na ‘yung standard at expectation mo, higher, eh si Kris medyo mataas ang standards, malaki ang expectation kaya siguro hindi nagtatagal ang mga relasyon niya.

Kris is a loving generous kind lady friend, loyal din siya sa mga kaibigan niya, pero pagdating sa dyowa niya, sure akong mapaghanap siya, possessive, strict at very demanding siya.

Kaya siguro grabe ang friction, ang pressure sa mga naging karelasyon niya, kaya hindi nagtatagal. As a friend, top of the line si Kris, pero as a lover, medyo-medyo. Maliban na lang kung sobrang tiyaga, confidence at self-esteem ng lalaki, hindi magtatagal ang kanilang love affair. Ngayon palang, tropahin lang ang category ni Kris, huwag gawing dyowa, hah hah hah.

Basta Happy Happy Birthday, Kris, stay happy and safe always, we love you. 

Sharon, napagplanuhan ang future

Bongga naman ‘yung nabalitang ang laki ng bahay ni Sharon Cuneta na pinagagawa. Para raw mall o hotel. Dahil nga siguro paghahanda para sa apat niyang anak at magiging pamilya ng mga ito kung sakali, dahil ‘di ba sabi ni Sharon, gusto niya kung sakali, sama-sama sila sa isang lugar.

May nakita na akong ganyang bahay, iyon bang subdivided ‘yung buong house at bawat room ay complete with their own sala and kitchen, isang bahay pero bale apat na complete facilities ang bawat room. Baka ganun ang idea ng bahay ni Sharon at Kiko Pangilinan, pinaghandaan ‘yung future kung saan bawat anak nila na may sarili nang pamilya ay magkakasama sa isang compound ‘di bah?

Gandang idea at concept, at least together kayong lahat pero may sarili kayong mga space for privacy.

Advance talaga ang ginawang thinking ni Sharon for the future, at ito na nga siguro ang magiging permanent house niya at pamilya for her whole life.

Bongga talaga ang Megastar, mega house din ang bahay na fitted for a queen. At malapit lang sa Metro Manila, nasa Cavite lang kaya accessible pa rin sa kanilang trabaho, lalo ngayon na ang bilis na ng biyahe dahil sa mga skyway na ginawa.

Tutok talaga si Sharon sa construction na ang bf ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao ang gumawa.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with