^

PSN Showbiz

Janella at Markus, balikbayan na rin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Janella at Markus, balikbayan na rin
Janella

Naunang dumating mula sa Australia si Anne Curtis kasama ang asawang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia. Noon namang makalawa ay bumalik na sa Pilipinas si Janella Salvador, kasama ang boyfriend na si Markus Paterson mula sa UK, dala rin ang anak nilang si Jude. Nagbalik ding kasama nila ang lola ni Jude na si Janine Desiderio.

Pero siyempre kagaya ng itinakdang safety protocol, tumuloy muna sila sa isang hotel para sa kanilang 14-day quarantine, at pagkatapos noon at saka pa lang sila uuwi ng bahay. Mas mahigpit nga sa kanila dahil galing sila sa UK kung saan sinasabing nagmula ang bagong variant ng COVID-19 virus na mas deadly.

Hindi naman daw naging problema sa biyahe si Jude na sa mas mahabang oras nga ay natutulog lamang naman.

Sinasabi naman nila kahit na noon pa, gusto nilang lumaki sa Pilipinas ang kanilang anak, at saka mas ok naman dito dahil pareho silang may career sa Pilipinas, eh sa UK ano nga naman ang gagawin nila. Pero iyong panganganak nga ni Janella sa UK noong October, isang mala­king advantage para sa kanya dahil mas magaganda ang facilities ng mga ospital doon at mas matindi ang disinfection laban sa COVID kaysa rito sa atin.

Anyway, ngayon nga ay naririto na silang muli at siguro nga kagaya ng sinabi ng kanilang manage­ment company noon, suportado pa rin naman ang kanilang career. Ibig sabihin, may trabaho pang naghihintay sa kanila. Iyon nga lang, ang problema naman nila sa career nila ngayon ay ang katotohanang hindi na rin iyon kagaya ng dati dahil nananatiling sarado ang kanilang network, at nagsalita na ang Presidente na makakuha man iyon ng bagong franchise mula sa Kongreso, sisiguruhin pa rin niyang hindi iyon makakakuha ng permit to operate mula sa NTC, kaya wala rin.

Nagsalita na rin ang Speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso na siguro nga kailangang maghintay na lang ang ABS-CBN sa kasunod na Kongreso dahil marami silang priority bills na kailangang mas unahin.

Kim, bilib pa rin sa Feng Shui expert

Kumonsulta raw sa isang feng shui expert si Kim Chiu, at humingi ng payo kung papaanong mas magiging matagumpay sa Year of the Ox na nagsimula na kahapon. Pero nakakatawanan nga dahil ang nakonsulta yata ni Kim ay ang feng shui expert ding nagsabing aangat ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2020. Kaya nga katakut-takot na bashing ang inabot nito noong mag-lockdown dahil sa COVID-19, at walang dudang sumadsad ang ekonomiya ng Pilipinas.

Nagbigay din naman ng kanyang advice si Kim Chiu, na kung gusto raw ng mga babaeng maging matagumpay sa pag-ibig, kailangang ang suot nilang underwear ay bago at kulay pula.

Poging male star, kinompronta sa panghihipo sa kaeksenang aktor

Bago pala itinuloy ang taping ng isang bakla series sa internet, kinausap muna ng producer ang isa sa mga star nila. Inirereklamo raw kasi iyon ng kanyang male co-star na tinotototoo ang panghihipo sa kanya sa taping kahit na hindi naman kailangan. Nakahalata siguro iyong isa na talagang tsina-tsansingan siya.

Pogi naman kasi ang male star at talagang malakas ang appeal niya sa mga bakla. Baka naman dahil doon ay talagang hindi napigilan ng kanyang partner ang panggigigil, na sinamantala ang taping para siya matsansingan.

Hindi mo naman masisisi ang male star kung mailang siya. Hindi naman kasi niya alam, at siguro walang nakapagsabi sa kanya na totoong berde ang dugo ng kanyang co-star at may panahong iyon ay kinilala bilang “prinsesita ng Malate.”

Noon naman daw pagsabihan ang silahis na male star, nagkaila iyon na tsinatsansingan niya ang kanyang co-star, pero nangako naman daw na hindi na magiging malikot ang kanyang mga kamay. Nangatuwiran pang ginagawa lang naman daw niya iyon para maging makatotohanan ang kanilang acting.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with