^

PSN Showbiz

AlDub fans napagkamalang bugaw si Gabbi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May taglay pa ring pagka-OA ang ilang fans ni Alden Richards na nagagalit nang pinaurong lang ni Gabbi Garcia si Alden sa gitna katabi ni Julie Anne San Jose sa bandang ending ng All-Out Sundays noong nakaraang Linggo.

Kung anu-anong paninira at pagbibintang na ang mga itini-tweet nila laban kay Gabbi at Julie.

Sinasabi nilang binubugaw na raw ni Gabbi si Alden kay Julie.

Ganun na kababaw ang simpleng pagpapalipat lang ni Gabbi kay Alden sa gitna.

May mga nagsasabing iyon daw talaga ang gusto ng GMA 7, kaya inutusan daw si Gabbi na itabi si Alden kay Julie Anne. Kaya sinagot na rin sila ni Gabbi sa Twitter ng; “Ay wala pong nag-utos. Na-conscious lang po ako dahil si Alden ang headliner ng show, tapos ako po ‘yung nasa gitna nung closing. Pinapalipat ko po siya kasi nasa gilid ko po siya. Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Tama rin naman si Gabbi na nagpakumbaba na at alam na niya kung saan dapat ilagay si Alden.

Sina Alden at Julie Anne naman talaga ang dapat manguna sa AOS. Minasama pa ito ng ilang fans na ang kikitid ng utak.

Kaya hindi rin nagpabaya ang fans ni Julie Anne at lumaban din sila sa Twitter at sandaling nag-trending nga ang #RespectJulie.

Ate Gay, nahabol ang TF

Ilang staff ng AOS ang nakatsikahan ko kahapon tungkol sa tweet ni Ate Gay na hindi pa raw nababayaran ang talent fee niya sa nakaraang taong guesting niya sa naturang show. Ayon sa ilang staff na napagtanungan ko, wala raw kasing resibo si Ate Gay kaya hindi pa rin naayus-ayos ang talent fee niya. Hindi naman siguro kakalimutan ng AOS ang pagbayad ng TF basta nasusunod lang ang patakaran ng isang kumpanya.

Kapag regular ka kasi sa GMA 7, madali lang makapasok ang talent fee mo dahil dinidiretso na sa bank account mo. Pero kung hindi, kailangan mong kunin ang tseke at dapat na mag-isyu ka ng resibo, bilang sa pagsunod din sa ipinapatupad na patakaran ng gobyerno.

Pagkatapos ng tweet na iyon ni Ate Gay, nabayaran na siya ng Kapuso Mo Jessica Soho kaya hinihintay na lang daw niya ang sa AOS at YouLol na hindi pa rin naibigay sa kanya.

Nilinaw niya sa akin nang naka-chat ko siya na meron daw siyang resibo. Kapag nandiyan na raw ang tseke, willing daw siyang mag-issue ng resibo niya. Tinanggal na rin niya ang tweet niyang iyon, kahit na-pick-up na ng ibang bloggers.

Marian, hindi pa puwedeng mabuntis

Kung pinagtawanan na lang ni Marian Rivera ang tsismis na nabuntis daw ni Dingdong Dantes si Lindsay de Vera, mas pinagtawanan naman niya ang isa pang lumabas na kuwentong nagdadalangtao na naman ito. “Ayan yata ang balitang hindi nakaka-stress,” natatawang pahayag ni Marian nang makatsikahan namin noong Martes sa virtual mediacon ng renewal ng kontrata niya sa WalterMart.

Ang sabi raw niya kasi kay Manay Lolit Solis, kapag nagpaputol siya ng buhok, iyon ang sign na totoong buntis siya. Pero long hair naman siya sa mediacon ng WalterMart at kulut-kulutan pa ito kaya lalo pa siyang gumanda. “Hindi kaya baka naka-wig lang?” nakangiti niyang sagot sa akin.

Pero sabi ni Marian, marami pa raw silang commitments kaya hindi pa siya puwedeng mabuntis.

“Sabi ko nga, hindi naman ikaw, e. Kahit anong gawin ninyo, kung hindi naman ibibigay ng Panginoon sa inyo, wala naman kayong magagawa. Pero kapag sinabi Niyang this time, ibibigay sa ‘yo, why not, hindi ba? Pero sa ngayon, marami pang pagkakataon na puwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin. Si Sixto, wala pang two years old. So, hintayin ko muna iyon. Tapos si Zia, sobrang busy pa namin sa school. Pero kung ibibigay, bakit hindi?

“Napakalaking biyaya, why not?” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay masayang-masaya sila kina Zia at Ziggy.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with