^

PSN Showbiz

Milyonaryong female personality, hindi pa rin mabili-bili ang pinapangarap na kaligayahan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoong-totoo. Hindi nga nabibili ang kaligayahan. Dumarating ‘yun at hindi hinahanap. Kung para sa iyo ang kaligayahan ay walang sinumang makaaagaw nu’n sa iyo.

Aminado ang isang milyonaryong female personality na ang happiness ay hindi parang branded stuff na anumang oras ay puwedeng mapasakanya. May salapi nga kasi siya, hindi na siya dumadaan pa sa pangangarap, basta ginusto niya ay agad-agad na niyang nakukuha ang gusto niya.

Hindi pa sawa sa pagkadalaga ang female persona­lity nang magdesis­yon siyang makipagrelasyon sa isang kilala at sobrang yayamaning businessman.

Kuwento ng aming source, “Nag-e-enjoy pa lang siya nu’n sa buhay niya. meron na siyang nakakarelasyon, nakipag-live-in na nga siya nu’n sa isang kilalang sportsman, ‘di ba?

“Pero nagkahiwalay rin sila, nalaman kasi nu’ng guy na may something din sa kanila ng isang sikat na male personality. So, para wala nang gulo dahil pareho silang may name na iniingatan, ang guy na lang ang nakipaghiwalay sa female personality.

“Du’n na nagkawindang-windang ang lovelife ng girl. Hindi siya sanay nang nag-iisa, kailangan niya ng kasama,” pag-alala ng aming source tungkol sa nakaraan ng pamosong female personality.

Sa pakikipagkuwentuhan ng female persona­lity sa kanyang mga kaibigan na iilan lang naman ay aminado siya. Hindi nabibili ng salapi ang kaligayahan.

Patuloy ng aming impormante, “Halatado namang hindi siya happy sa sitwasyon niya, e. Alam niya sa sarili niya na money can’t really buy happiness.

“Nasa kanya na ang lahat ng material things sa mundo, literal na siyang nakahiga sa salapi, wala na siyang mahihiling pa.

“Pero aminado siya, hindi pa rin siya super-happy. Masaya lang siya dahil anytime na may magustuhan siya, e, agaran niyang nakukuha, pero hindi pa rin ‘yun nakapagpapaligaya sa kanya.

“May hinahanap siyang happiness na hindi natatapatan ng pera. Masuwerte nga siya dahil napakabait at understanding ng kasama niya sa buhay, magpagawa man siya ng katulad nu’ng guy, e, wala na siyang makikita pa.

“Pero bakit nga ba hindi pa rin siya maligaya? Ano ba ang hinahanap pa niya? ‘Yun ba ang reason kung bakit taken na siya, e, may iba pa ring lalaking nali-link sa kanya?

“Sinasabi niya palagi sa mga kaibigan niya, hindi nakapagpapaligaya ang pera, nagiging kumpor­table ka lang sa buhay. Hindi pera ang simula at wakas, there’s more to that,” pagtatapos ng napapailing naming source.

Ubos!

Angel, gusto na ring magkaroon ng sariling bukid

Dahil sa kanyang programang Iba ‘Yan ay naimpluwensiyahan na si Angel Locsin ng buhay sa kabukiran. Marami siyang naiinterbyung magsasaka, naghahalaman at nag-aalaga ng mga hayup, nag-iikot siya sa buong bansa, kaya siguro pangarap niyang bumili ng lupa ngayon para gawin niyang farm.

Pero hindi pangkomersiyal ang plano niya, mag-aalaga siya ng mga hayup para lang sa kanilang mga pangangailangan, ngayon pa lang ay nag-aaral na siya tungkol sa pagmamanukan.

Walang kasingsarap ang buhay sa bukid. Paggising mo pa lang ay maganda na ang mundo mo, hahampasin ka ng sariwang hangin, mabango ang paligid lalo na kapag namumulaklak na ang palayan.

Ang nakakatuwa pa ay papangalanan niya ang mga alaga niyang manok, gagawin niyang parang mga aso, puro pangalan ng mga kaibigan niya ang ibibigay niya sa mga manok.

Sa haba na ng panahon ng pagharap sa mga camera, pagpi-pictorial, pagso-show at interbyuhan ay kitang-kita na ang kasabikan ng mga artista sa pribadong buhay.

Si Coco Martin nga, inupahan nito ang katabing lote ng kanyang mansiyon, ginawang gulayan. Nakita na namin ‘yun, kumanta ka ng Bahay-Kubo at kumpleto sa pananim na gulay ang action star, mayayabong ang kanyang mga pananim.

Si Andi Eigenmann ay maligaya na ngayon sa buhay-probinsiya, lumayo na ito sa ingay at kontrobersiya, hindi mababayaran nang kahit magkano ang kaligayahan ngayon ng aktres.

Tama ang desisyon ni Angel Locsin, panahon na para paghandaan niya ang kinabukasan nila ng mapapangasawa niyang si Neil Arce, kailangang meron silang nauuwiang farm kapag ang stress nila sa lungsod ay hanggang leeg na.

May madyik ang kalikasan na kahit mga doktor ay hindi kayang ipaliwanag. May kaligayahang ibinibigay ang buhay sa kabukiran na hindi natin ipagpapalit sa anuman.

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with