^

PSN Showbiz

Ayaw ding mag-asawa hunk actor umaming pumapatol talaga sa mga beki para makaipon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakagulat ang naging rebelasyon ng isang kilalang hunk actor sa kanyang mga kaibigan nang minsan silang magkainuman. Alam naman ng lasing ang kanyang mga sinasabi kaya walang kagatul-gatol ang mga deklarasyon ng male personality.

Galing sila sa isang lock-in taping, nagkayayaan ang mga lalaking cast ng serye, nagpunta sila sa condo unit ng isa nilang kaibigan para magbanlaw ng pagod sa pagtatrabaho.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng una siyempre, kuwentuhang walang katuturan lang ang tinutukan nila. Mga karanasan nila sa ­taping, ang mga natitipuhan nilang girls, kung anu-ano lang!

“Ganu’n naman ang mga artista kapag nagkasama-sama, nagpapalitan sila ng mga kuwento, kung saan-saan lang napupunta ang kuwentuhan nila,” pasakalye ng aming source.

Habang lumalalim ang gabi ay nagiging emosyonal na sila, meron nang napapaluha dahil sa kanyang mga problema ngayong pandemya, may nagrereklamo dahil maramot ang proyekto para sa kanya.

Patuloy ng aming impormante, “Kakaiba naman si ____(pangalan ng tisoy na male personality), wala siyang pakialam sa pandemya dahil napag­handaan na niya ang ganitong sitwasyon.

“Magaling siyang pumaraan, marami siyang raket, hindi niya pinopro­blema ang kakapusan ngayong pandemya. Pero nagulantang ang mga kaibigan niya sa kanyang rebelasyon!

“Halos mawala ang kalasingan ng mga kaharap niya, diretso kasing sinabi ng hunk actor na wala sa bokabularyo niya ang pag-aasawa. Wala raw siyang planong magkaroon ng pamilya, wala raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

“Magpapakatandang-binata na lang daw siya, puwede raw siyang makipagrelasyon, pero burado sa utak niya ang pagpapakasal dahil magpapa­yaman na lang siya!

“Lahat daw ng trabaho, e, kailangan niyang pasukin para makapag-ipon siya. Ayaw raw kasi niyang tumanda na walang pera! Nakakaawa raw ang mga tumatandang walang naipon!

“At sinabi niya, ‘yun daw ang dahilan kung bakit siya pumapatol sa mga beki, sa mga matrona, kaya raw niyang sikmurain ‘yun dahil kumikita siya nang malaki!

“Makaipon lang ang gusto niya, may mga babaeng nagkakagusto sa kanya, pero wala siyang keber! Kung saan siya kikita bilang dagdag-ipon, ‘yun na lang ang mahalaga para sa kanya!

“Nawala ang pagkalasing ng mga kainuman niya, nahimasmasan silang bigla, dahil naging totoong-totoo sa kanila ang hunk actor.

“Oo nga naman, sa dagat ng buhay, e, ayaw niyang maging gurami lang, ang maging tilapya, gusto niyang maging pating, maging balyena!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Julia nakikitira na lang?!

Ang gagaling talaga ng mga tagasuporta ng mga artista. Mahuhusay silang mag-one-plus-one. Hindi na nila kailangan ng anumang gadget para lang matukoy ang anumang gusto nilang diskubrehin.

Masasaya ngayon ang mga tagahanga nina Coco Martin at Julia Montes. Sa mga retrato kasing ipino-post ni Julia sa kanyang account ay nakakita ang mga fans ng pag-asang walang katotohanan ang matagal nang umiikot na balita na hiwalay na sila.

Pinagtagpi-tagpi nila ang mga ebidensiya na matagal nang nagli-live-in sina Coco at Julia sa pamamagitan lang ng mga inilalabas nilang larawan.

Ang malawak na garden sa mansiyon ni Coco ay minsan nang nakita sa TV habang nagdidilig siya ng mayayabong niyang halaman.

‘Yun din ang lokasyon nang i-post ni Julia ang kanyang retrato, minarkahan pa ng mga fans ang malaking bato sa garden, sa garden nga raw ‘yun ng mansiyon ni Coco.

Ganu’n katinding mag-imbestiga ang mga fans, ni hindi pa nga umaamin ang kanilang mga idolo tungkol sa kanilang relasyon, live-in na agad ang opinyon ng mga tagasuporta kina Coco at Julia.

Tanong ng isang netizen, “Kailan naman kaya sila aamin na may anak na sila? 2019 pa lumabas ang balitang nanganak si Julia na si Coco ang ama, pero 2021 na ngayon, aamin na nga kaya sila?”

‘Yun ang tanong ng buong bayan nga­yon. Una ay kung aamin na ba silang matagal nang magkarelasyon? Ikalawa, totoo bang meron na silang anak, haharapin na ba nila ang kuwentong meron na silang baby na ayaw mamatay-matay?

Hanggang sa pag-iipon lang naman ng mga ebidensiya ang magagawa ng kanilang mga tagasuporta pero ang desisyon ay nakina Coco at Julia Montes pa rin kung aamin na nga ba sila?

May malalim na dahilan ang hindi nila pagharap sa katotohanan, kung totoo ngang meron na silang anak, sa buhay ng mga artista ay napakahalaga ng kapribaduhan.

Walang katapat na kahit magkano ‘yun.

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with