^

PSN Showbiz

Vice walang malay kung bakit nilayasanng direktor sa Showtime

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice walang malay kung bakit nilayasanng direktor sa Showtime
It’s Showtime hosts

Nagpakita si Ryan Bang ng puwet sa You­Tube channel ni Vice Ganda at umani ito ng mahigit isang milyong views. Naaliw nga ang netizens sa night swimming nila ni Vice kasama siyempre si Ion Perez.

Nung nakaraang Linggo ng gabi ay ipinost ni Vice ang karugtong nito  na pagkatapos nilang mag-swimming ay tumuloy sila sa sauna.

Doon ay nagkuwentuhan sila ng  tungkol sa programa nilang It’s Showtime. Nagbabanggit sila kung sino ang maarteng host, pinakamagandang host, makulit, maingay, madaldal at kung anik-anik pa.

Hanggang sa napunta ang usapan nila sa dati nilang direktor na si direk Bobet Vidanes at doon nila inilabas ang kanilang saloobin sa  biglang pag-alis ng naturang direktor sa kanilang programa.

Hindi pala nagpaalam si direk Bobet sa kanila.

Sa management na lang daw ito nagsabi ng dahilan kung bakit niya iiwan ang ABS-CBN 2 at naging bahagi na siya sa Lunch Out Loud, nagdidirek na rin ng Born to be a Star.

Inamin ni Vice na na-offend siya sa ginawa ni direk Bobet. “Ang plastik ‘pag sinabing hindi ako na-offend,” pakli ni Vice.

Wala raw nakaalam sa kanila kung bakit na lang sila basta iniwan ng naturang direktor. Kaya nagulat daw siya at kahit si Ryan Bang ay naiyak din dahil parang tatay  na raw ang turing nila kay direk Bobet. “Siyempre nagulat. Wala namang nakakaalam. Ewan ko, hindi ko alam kung walang nakakaalam.

“Hindi ko alam kung alam n’yo o hindi. Kasi ako, perso­nally, hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam nina Vhong (Navarro). Kasi nung nag-uusap-usap tayo, sinabi ninyong lahat, hindi rin ninyo alam ‘di ba?” sabi pa niya kay Ryan habang nakikinig lang si Ion.

“Tapos, inaya ko siyang mag-ano…tinext ko siya para usap kami. Para lang maintindihan ko ‘di ba? Hindi niya ako sinagot. Para alam ko man lang, o alam man lang natin, o isa man lang sa atin, may alam ‘yung totoong rason, ‘di ba? Kasi, ‘yung rason, ‘yung sinabi niya sa management. Pero personal, wala naman siyang kinausap sa atin, ‘di ba? Nakakagulat lang, parang after 11 years…doon lang pala ‘yun.

“Kung meron man tayong bahagi doon sa dahilan niya para umalis. Sana nalaman man lang natin ‘di ba? At kung meron man, kumbaga, kung tayo, isa sa atin ang dahilan kaya siya umalis, sana alam natin. Para napag-usapan. Kung meron man, bakit hindi napag-usapan for 11 years? Tapos pak! Biglang wala na.

“Kung ano man ‘yung dahilan  niya, sana napag-usapan. At saka kung talagang family tayo, baka kung napag-usapan baka nagawan ng paraan,” patuloy na himutok ng comedian/TV host.

“Parang ano ‘yun ganun-ganun na lang? Walang sabi-sabi. Nanggaling pa ‘yun sa anniversary na meron pa tayong chikang walang iwanan kahit anong mangyari sa opening. Tapos, right after a few days, after the anniversary, biglang may maririnig kang parang…anong nangyari sa pangako?” dagdag niyang pahayag.

Sa panig naman ni Ryan Bang, iniintindi na lang daw niya ang kalagayan ni direk Bobet na baka meron lang itong pinagdaanan sa pera. “Siguro, may pinagdaanan din sa pera. Kasi ako, wala naman akong totoong anak eh. Baka kung nahihirapan talaga sa pera siguro. Pero siyempre, nakakaiyak talaga. Nakakalungkot. Basta ‘yung alam ko, kailangan niya yata pera, ganun,” saad naman ni Ryan.

Pero sabi nga ni Vice, ang dami na raw pinagdaanan ng It’s Showtime nandiyan pa rin sila. Ang mga peklat daw na natamo ng mga pinagdaanan nila ay nakaganda pa sa kanila.

Tagpuan ni Alfred mapapanood na rin sa tv

Congratulations kay Cong. Alfred Vargas at sa lahat na bumubuo ng pelikulang Tagpuan sa pagkapanalo nitong Best Feature Film sa nakaraang 6th Chauri International Film Festival sa India.

Bukod sa Chauri Chaura Internatio­nal Film Festival, sumali rin ang Tagpuan sa Dhaka International Film Festival.

Sa totoo lang, ang dami nang offers ang naturang pelikula na bilhin ang rights nito para sa TV at sa ibang platforms. Gusto naman ito ni Cong. Alfred para mas marami pa ang makakapanood sa Tagpuan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with