^

PSN Showbiz

LizQuen, kanya-kanya muna!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
LizQuen, kanya-kanya muna!
LizQuen

Nabasa ko na para raw ipapahinga muna ni Ogie Diaz ang loveteam ng LizQuen. Mukhang may gaga­wing isang project si Liza Soberano na kasama ang isang Thai actor, at siguro si Enrique Gil naman ay ibang partner na actress.

Baka nga dapat magkaroon ng medyo ibang lasa ang career ng dalawa para mas lalong tumibay, parang ginagawa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, iniiba-iba ang putahe, tapos pagsasamahin ulit.

Dahil malawak naman ang pananaw ni Ogie sa career ng dalawa, sure ako na sigurado siya sa mga pagbabago na gagawin niya para lalo pang tumibay at maging in fighting form sina Liza at Enrique.

Basta you trust the plans of the one handling your career, ay madali mong makakamit ‘yung mas mataas pang level ng stardom.

Alden, feel jowain nina Kris at Jessy

Nice naman na halos lahat ng nagpi-play ng totropahin o jojowain ay napipili para husband material si Alden Richards.

Si Kris Aquino at Jessy Mendiola, pareho ng assesment na mukhang magiging mabait na husband kung sakali si Alden. Magandang sign para sa isang lalaki na ganun kataas ang tingin sa kanya ng mga babae para piliin siya na maging husband nila kung pupuwede.

Kasi nga taglay naman talaga ni Alden ang quality ng isang mabuting tao, na sure mong magiging mabuting asawa at tatay in the future. Mabait siyang anak, mapagmahal na kaibigan, financially secured, humble, magalang, sincerely sweet and kind, a gem para maging partner sa buhay.

The most eligible bachelor sa showbiz, walang sabit at malinis ang record. What a prize na maging boyfriend at later maging asawa mo kung ikaw ang magiging mapalad na babae na pipiliin ni Alden Richards.

Naku, dapat talaga karapat-dapat ang babae na mapipili, dapat worth it siya sa pagmamahal ni Alden.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with