^

PSN Showbiz

Hunk actor na galing sa mayamang angkan, may pinagawang bodega na puno ng pang-ayuda

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Meron na palang bodega sa ipinatayo niyang mansiyon ang isang hunk actor. Airconditioned ang malawak na imbakan ng iba-ibang produkto.

Nagtataka ang kanilang mga kapitbahay kung bakit labas-pasok ang mga truck sa pangyayamaning subdivision, sa bahay ng pamosong hunk actor ang kanilang destinasyon, nagba-buy and sell daw ba siya ng mga pagkain?

Kuwento ng aming source, “Ganu’n ka-orga­nized si ____ (pangalan ng kontrobersiyal na hunk actor), para siyang Boy Scout, palaging nakahanda.

“Hindi pa man nangyayari ang kahit anong calamity, e, naka-ready na talaga siya. Maraming-maraming food na pangtulong na ang nakahanda sa bodega niya, hakot na lang sila nang hakot ng mga kaibigan niya,” paunang kuwento ng aming impormante.

Palibhasa’y mula sa milyonaryong angkan, kayang-kayang gawin ng hunk actor ang pagtulong sa mga kababayan nating nasasalanta ng kalamidad, ganu’n siya pinalaki ng parents niya.

Patuloy ng aming source, “Sobrang low key ang pamilya niya, nabubuhay sila nang paboloso, pero mapuso sila sa mga nangangailangan.

“Kaya kita n’yo, kapag may nangyayaring calamity, isa siya sa mga unang-unang namimigay ng tulong. Hindi na kasi niya kailangang magpabili pa ng iba-ibang pambigay, nasa bodega na agad niya ang mga pagkain, kumot, damit, banig at kung anu-ano pang nga kailangan ng mga binabagyo at nililindol,” walang eksaherasyon pang kuwento ng aming source.

May magandang throwback story tungkol sa hunk actor. Nu’ng bata pa lang pala ang aktor ay palagi na siyang laman ng mga bahay-ampunan. Nagdadala siya ng mga pagkain at kagamitang pakikinabangan ng matatanda at bata na dinadalaw niya.

Natutuwang kuwento ng ­aming source, “Nasa puso na niya talaga ang pagtulong, second skin na niya ang pagbibigay ng ayuda kahit nu’ng bata pa lang siya.

“Lagi nating tatandaan, anumang ginagawa ng matatanda, ginagaya ng mga bata, kaya lumaki na siya talaga sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Siguradong magiging the best provider siya kapag nagkapamilya na siya. Kung sa ibang tao nga, e, ganu’n na siya ka-generous, sa sariling pamilya pa kaya niya siya magdadamot?

“Kung magkakatuluyan sila ng isang female persona­lity na palagi niyang nakakasama ngayon, pareho silang mula sa buena familia na mapuso sa maliliit, kaya it’s a tie!” masayang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Marian, ayaw tantanan ng fans ni Heart

Hindi kami malapit kay Marian Rivera pero umaaray kami sa mga sobrang sakit na salitang ibinabato laban sa kanya ng mga tagasuporta ni Heart Evangelista.

Palagi silang pinagkukumpara lalo na sa kanilang estado sa buhay. Alam naman ng buong bayan na mula sa buena familia si Heart, kayang-kaya nitong magsuot ng puro branded, naiimbita ang aktres sa iba-ibang bansa para rumampa at magmodelo ng mga de-klaseng kasuotan at sapatos.

‘Yun talaga ang imahe ni Heart. ‘Yun na ang pagpapakete sa aktres at walang masama du’n. Pera ni Heart ang kanyang ginagastos, wala itong tinatapakan, walang inaabala para masunod ang kanyang mga kapritso sa buhay.

Pero hindi dapat ikinukum­para si Marian kay Heart. Walang kasalanan si Marian kung simpleng buhay lang ang gusto niya kasama si Dingdong Dantes at ang kanilang mga anak.

Hindi siya dapat hinuhusgahan na pampalengke lang ang mga kagamitan niya dahil jologs naman siya. Walang makapagdidikta kay Marian kung anong klaseng buhay ang dapat niyang piliin.

Baduy, laos na, pambahay at pampalengke lang daw si Marian, mapagmalabis pang komento ng mga tagasuporta ni Heart. Happiness is a choice, sabi nga natin, kaya kung saan siya masaya ay nandu’n siya.

Hindi naman nakikipagkumpetisyon si Marian kay Heart, kahit kaninong personalidad ay hindi naman apektado si Marian, kaya sino tayo para humusga sa kanyang kasimplehan?

Du’n siya masaya, du’n siya humuhugot ng kaligayahan, walang ibang kukumpleto sa buhay niya kundi si Dingdong at ang dalawa nilang anghel na sina Zia at Ziggy.

Hindi idinidikta ang kaligayahan. Ang may katawan lang ang nakakaramdam nu’n. Nasa piling ng kanyang mag-aama ang kaligayahan ni Marian kaya sana’y hindi siya minamaliit at hinuhusgahang baduy, pambahay lang at pampalengke.

Walang dapat isumbat kay Marian sa pinili niyang simpleng buhay. Hindi siya dapat makinig sa mga salitang hindi naman niya ikasasaya.

Kung ang nakapagpapasaya kay Heart ay ang mga bonggang-bongga nitong kagamitang branded, iba naman si Marian Rivera, ang pinag­huhugutan niya ng kaligayahan ay ang kanyang mag-aama na hindi mabibili sa kahit anong shopping mall dito o sa ibang bansa man.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with