^

PSN Showbiz

Lani agad-agad nagpa-angiogram

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lani agad-agad nagpa-angiogram
Lani
STAR/ File

Halos buong araw ding tinutukan si Sen. Bong Revilla ng supporters niya sa Facebook nung nakaraang Biyernes dahil regular itong nagbibigay ng update sa pagpapa-hospital nila ni Mayor Lani Mercado.

A day before ay nag-post si ang senador sa kanyang FB account na humihingi ng dasal para kay Mayor Lani na naka-schedule ipa-Angiogram. Sinamahan lang kasi siya ni Mayora sa St. Luke’s Hospital para magpa-executive check-up dahil marami na raw siyang naramdaman. Sumabay na rin si Mayor Lani dahil nandun na rin daw siya. Ang ending, siya pa pala ang mas may diperensya at kaagad-agad ay ipina-schedule na sa Angiogram.

Kuwento ni Mayora pagkatapos ng prosesong iyun; “Sa 2D Echo ko nakitang there’s something wrong with my heart. Ang nangyari, ni-recommend na mag-Angiogram ako. Ang findings sa 2D Echo ko sa lower part nung heart ko, may clog sa artery, gusto nilang i-confirm ‘yun. The only way to confirm it is through an Angiogram.

“Nag-aalala lang kami kasi normally ‘pag may clog, deretso ‘yan Angioplasty lalagyan ‘yan ng stents o bypass.”

Lahat iyun ay updated ni Sen. Bong sa kanyang FB live na sinubaybayan naman ng napakarami niyan supporters. Mabuti at okay naman daw ang kalagayan ng puso ni Mayor Lani at hindi na kailangang i-deretso sa Angioplasty. “After the Angiogram, buti na lang nakita nilang kaya naman sa gamot. So, I’m fine and well. Thank you sa prayers ninyo. Nagpapasalamat po ako sa lahat na nagdasal,” pakli ni Mayor Lani nang nakapanayam na namin silang mag-asawa sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Kailangan na niyang mag-ingat. Bawas stress, mag-ehersisyo at ingat sa mga kinakain.

Pero bilang napaka-workaholic naman talaga ng alkalde ng Bacoor City, pagkalabas lang niya pagkatapos ng Angiogram ay naglinya na agad na ‘back to work’ na raw. Sinita na ito ng panganay nilang anak na si Bryan na sa Monday pa siya magtrabaho at kailangan pang magpahinga sa hospital.

Pero nung araw na iyun bago ipinasok sa Angiogram si Mayor Lani, sumali pa ito sa Webinar ng mga staff  niya dahil inaayos na nila ang vaccine sa Bacoor. “Siyempre, bilang alkalde lalo na ngayong panahon ng COVID, ang demand sa trabaho mo medyo mataas. Itong nakaraang Monday, dumalaw ako sa Taguig City, binisita namin yung vaccine center nila. Kumbaga, pinrepare pa namin yung vaccine plans ng city,” pahayag ni Mayor Lani.

Pero ibinuking na siya ni Sen. Bong na sobrang nag-alala rin daw ang asawa niya nang sinabihan na itong kailangan niya ng Angiogram. “Panay ang iyak niya kagabi, pinatawag na niya ang mga anak niya naghahabilin,” pakli ni Sen. Bong.

“Sa mga panahon na to kasi, hindi mo maiwasang matakot.

“Nandiyang magsa-swab ka bago mag-hospital. Hindi biro rin ‘yung nagpapa-Angiogram ka eh. Although, 1 percent din ang chance na puwedeng magkaroon ka ng allergy dun sa nilagay sa puso mo, puwede kang mag-heart attack dun. Hindi ka nakakasiguro,” dagdag niyang pahayag.

Okay naman daw ang mga test ni Sen. Bong at nalagpasan na rin ni Mayor Lani ang Angiogram, at nag-bonding pa silang mag-asawa sa isang kuwarto sa hospital.

Medyo nalungkot nga raw si Sen. Bong nung na-confine na sila sa St. Luke’s dahil iyung kuwartong ibinigay sa kanila ay iyun din ang ginamit sa Daddy niya bago ito pumanaw.Kaya naalala raw niya ang mga huling araw ng Daddy niya bago sila iniwan.

Ilulunsad na ngayong Linggo sa All-Out Sunday ang pinaka-aabangang mobile digital (DTT) receiver na GMA Now, ang plug-and-play dongle na puwedeng magamit ng Android smartphone users para libreng makapanood ng TV kahit on-the-go!

Siguradong mas magiging maganda ang viewing experience sa pinalinaw nitong digital TV broadcast ng mga paboritong Kapuso channel na GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, pati na rin ang DepEd TV soon, at iba pang free-to-air channels na available sa area.

Available ang GMA Now sa mga piling lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, at Cagayan de Oro.

Mapapanood din sa AOS ang concert-level performance ng Asia’s Nigh­tingale Lani Misalucha kasama sina Julie Ann San Jose, Thea Astley at Aicelle Santos at ang Philippine TV premiere performance ng Fil-Am rapper na si EZ Mil kung saan nag-viral ang kanta niyang Panalo na sa loob ng tatlong araw lang ay umani ito ng mahigit 11M views.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with