^

PSN Showbiz

Lovi, hindi hirap sa LDR

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lovi, hindi hirap sa LDR
Lovi
STAR/ File

Birthday ni Lovi Poe sa Thursday at tamang-tama na rest day niya ‘yon sa lock-in taping ng Owe My Love ng GMA 7.

Inaayos lang ng manager niyang si Leo Dominguez, Ateng Salve, ang pa-Zoom birthday tsikahan natin with Lovi.

Bukod kasi sa Owe My Love primetime series na pagbibidahan niya sa Kapuso primetime slot simula sa February 15, may iba pang pro­jects na ia-announce si Lovi. Ang dinig ko, balik-recording siya, pero sa birthday Zoom tsikahan nga natin with her niya ia-announce ang tungkol doon.

Anyway, ang Owe My Love na produced ng GMA News and Public Affairs ang bale pinaka-bonggang birthday gift kay Lovi.

Kilala si Lovi sa pagiging drama actress, pero magaling din siya sa come­dy at bilib nga sa kanya ang leading man niyang si Benjamin Alves dahil nakakatawa raw talaga ang dalaga sa mga kuwelang eksena nila sa Owe My Love.

Oo nga pala, Ateng Salve, sa magi­ging tsikahan natin with Lovi sa Thursday ay tatanungin ko siya kung may binigay na ba sa kanyang advance birthday gift ang boyfriend na si Montgomery Blencowe bago siya umalis sa Los Angeles, California noong January 8 (kinailangan na niyang umuwi that day dahil ang dating niya rito ay noong January 10 at nag-14 days quarantine pa siya bago sumalang sa lock-in taping ng Owe My Love).

Feeling ko rin ay may magiging pa-surprise kay Lovi si Montgomery on her birthday dahil sa mga technology ngayon, napakadali na kasing mang-surprise kahit pa miles aways kayo.

Ang relaysong Lovi-Montgomery nga pala ang isa sa maraming patunay na effective rin sa ibang mga magkakarelasyon ang tinatawag na LDR o long distance relationship, huh!

Kathniel fans, hindi bumibitiw

Alam mo, Ateng Salve, bibilib ka sa mga KathNiel fan ng mag-sweethearts na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi kasi nila pinababayaan ang mga project ng kanilang favorite love team.

Ang bongga ng The House Arrest Of Us digital movie series nina Kathryn at Daniel na ipinalabas sa KTC. Ph at iWantTFC streaming apps kahit may bayad ‘yon nang ipalabas doon, pero nang magsimulang ipalabas ‘yon sa Netflix, ang bongga pa rin dahil trending sila palagi. At nag-number one nga ‘yon ng kung ilang araw sa Netflix, huh!

Si Ruffa Gutierrez nga na gumaganap na nanay ni Kathryn sa THAOU bilib sa pagiging masipag at masigasig ng mga KathNiel fan sa pagpo-promote nito, kaya naman mismong ang aktres, sipag-sipagin din sa pagpo-post sa social media ng tungkol doon.

Tinanong ko nga pala si Ruffa tungkol sa tsikang mag book two ang digital movie series nila pero ayaw naman niyang magtsika, pero may isang taga-ABS-CBN ang nagsabing pinaghahandaan na ang tungkol doon.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with