^

PSN Showbiz

Dennis, pinaalalahanan si Gerald!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis, pinaalalahanan si Gerald!
Julia at Dennis
STAR/ File

Piracy ang hinaing ng mga film producer na may pelikula noong nakaraang Metro Manila Film Festival.        

Isa nga rito ang pelikulang Pakboys: Takusa ng Viva Films na ipalalabas na rin sa Vivamax simula ngayong araw.

Kahit napirata rin ito nang husto, maganda pa rin daw ang sales online sa halagang P149 lang ang ticket. “Number one din itong Pakboys sa most pirated,”  bulalas ni Dennis Padilla na isa sa mga bida ng naturang pelikula.

“Dapat humingi tayo ng bonus sa mga pirate,” sabi pa ni Dennis nang makausap namin siya at si Andrew E sa DZRH noong nakaarang Miyerkules.

Samantala sa nasabing pakikipagtsikahan sa dalawang bida ng Pakboys, ikinuwento na rin ni Andrew E sa amin na meron pala siyang anak na gustong sumunod sa kanyang yapak bilang rap artist.

Ang anak daw niyang si Fordy na 18 years old pa lang ay gusto na ring pasukin ang music industry, kaya tutulungan daw niya itong ipakilala sa lahat. “Marunong siyang mag-rap. Gusto niya…kaya suportahan ko siya dun in the coming days. Kaya maglalabas kami ng single para ma-introduce naman siya sa tao,” pakli ni Andrew.

At napag-usapan ang mga anak, hiningan na rin namin ng reaksyon si Dennis tungkol sa lovelife ng anak niyang si Julia Barretto.

Paniwala ng netizens ay may relasyon talaga sina Julia at Gerald Anderson.

Hindi naman daw tinatanong ni Dennis ang anak niya tungkol dito. “Kapag hindi siya nagkukuwento, hindi naman ako nagtatanong.

“Siguro she wants to be private lang din. Kung magu-open up siya, makikinig lang ako. Kung hindi man, antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin. Si­yempre, kailangan naman nating respetuhin din yung karapatan ng ating mga anak, siyempre personal naman nila yun eh,” saad ni Dennis.

Nandiyan lang daw siya kung sakaling hu­mingi ng tulong sa kanya si Julia pagdating sa isyu ng lovelife. “Kung saan naman masaya ang anak ko, dun ako. Ang pinaka-importante, she’s a very responsible woman. Meron naman siyang sariling hanapbuhay.

“She’s an adult. She’s already 23. So, I’m sure alam naman niya kung saan ang tama at mali. Sa akin lang, kung saan siya masaya eh dun ako susuporta. Basta nasa likod lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema,” sabi niya.

Ang mensaheng gusto niyang iparating kay Gerald; “Kung mahal mo naman yung daughter ko, alagaan mo na lang siya. Huwag mo lang sasaktan. Saka huwag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay,” seryosong pahayag ni Dennis

Anak... magkakaroon din ng premiere night

Nakumpirma sa ilang taga-KTX.Ph na ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ang pinakamalakas na nag-premiere sa naturang digital service na ito. Kaya talagang pinanindigan ng producer nito na si Joed Serrano ng Godfather Productions na mahigit 100K tickets ang nabenta kaya kumita na sila.

Pero muling mapapanood ito sa KTX.Ph ngayong February 5, 6 at 7 sa murang halaga na lang ang ticket.

At bukod diyan, magkakaroon din daw ito ng premiere night  sa isang sinehan sa Sta. Lucia East Mall dahil MGCQ na roon.

Sa February 12, 13 at 14 daw sila mapapanood sa naturang sinehan at meron pang pa-concert sa kanyang limang bida ng naturang pelikula.     

Pero aminado si Joed na napapanghinaan na raw ng loob ang mga partner niya sa Godfather dahil sa talagang pinirata nang husto ang naturang pelikula.

Meron na raw sampung tao na na-identify at meron pa nga raw nahuli na nakiusap daw sa kanilang huwag na siyang kasuhan at ilantad sa publiko at magpapakamatay daw siya.

Pero kailangan daw nilang kasuhan ang mga ito, kaya humingi na sila ng tulong sa Optical Media Board para tuluyan na raw nila itong kasuhan.

Kahapon ay pumunta na rin sila sa NBI para ibigay ang mga pangalan nitong mga namirata para hanapin na raw ito ng NBI.

“Kailangan talaga may masampolan. Malas na lang kung sino,” pakli ni Joed nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules ng gabi.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with